Kang Ji Hwan, guilty sa rape, kulong!

Matapos masentensiyahan ng 5 years in prison ang mga Korean stars na sina Jung Joon Young at Choi Jong Hoon dahil sa gang rape nitong nakaraang Nobyembre, ngayong Disyembre ay ang aktor namang si Kang Ji Hwan ang napan sa kasong quasi-rape and quasi-indecent acts by force.
The verdict was delivered last December 5 at the Seongnam branch of the Suwon District Court at ang hatol sa aktor, prison sentence of two years and six months suspended for three years of probation.
Ibig sabihin, kapag nakagawa si Kang Ji Hwan ng same offense during the three-year probation period, he will serve out his prison sentence of two years and six months.
Bukod dito, ipinag-utos din ng korte ang 120 hours of community service kay Kang Ji Hwan at mag-participate sa 40 hours of rape treatment program. Hindi rin siya puwedeng magtrabaho at any workplace which provides services to children or the disabled for three years.
Si Kang Ji Hwan ay inaresto ng mga pulis noong July 9 sa kanyang bahay sa Gwangju matapos ireklamo ng female staff members ng sexual assault habang natutulog ang mga ito.
Sa initial statement ni Kang Ji Hwan ay isinaad niyang hindi niya maalala ang insidente, pero noong July 15 ay inamin na rin niya ang ilan sa mga akusasyon. Pero sa ginanap na third hearing ay kinontra ng aktor ang ilang ebidensiya laban sa kanya.
At the final trial ay hinatulan na nga ng korte si Kang Ji Hwan. Kasunod nito ay nag-request naman ang kanyang abogado na babaan ang hatol, citing the actor’s admission of guilt and his remorse.
Sa closing argument ay sinasabing naging emosyonal si Kang Ji Hwan.
“I wanted to raise a beautiful family and become the best father in the world before it was too late.
“I’m resentful of myself for doing such a thing, especially to someone I know. I resent myself as I have no excuses, and I can’t forgive myself. I’m sorry. I’m also regretful,” pahayag ng aktor sa kanyang closing argument.





Comments