top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Huwag nang magpakamartir at umasa, gising-gising din… Signs na hindi tatagal ang relasyon

Jersey Sanchez
Dec 9, 2019
2 min read

Kapag bago ang relasyon, lahat ng ginagawa ng partner mo ay oks lang para sa iyo kaya madalas, kahit sa paningin ng iba ay hindi ito okay, dedma ka na lang dahil ine-enjoy mo ang proseso. Pero ayon sa mga eksperto, puwedeng malaman kung tatagal ang relasyon sa loob ng tatlong buwan. Kaya mga besh, narito ang signs na hindi tatagal ang isang relasyon:

1. HINDI CONSISTENT SA KOMUNIKASYON. Sa umpisa ng relasyon, ang pag-uusap sa iba’t ibang paraan tulad ng text, tawag o chat ay bihira lang, sign na ito. Ayon kay Emily Pfannenstiel, licensed professional counselor, kapag hindi na predictable o consistent ang komunikasyon ng mag-partner, sign ito na hindi tatagal ang relasyon. Dagdag pa rito, habang tumatagal ang relasyon, dapat ding magkaroon ng progress ang komunikasyon, ‘yung tipong kahit matagal na kayo ay excited pa rin siyang makausap ka. Hindi naman sinasabing mag-usap kayo sa lahat ng pagkakataon, pero sana ay maging consistent ang isa’t isa sa pagbibigay ng update. Ganern!

2. HINDI KA INI-INVITE KAPAG KASAMA ANG FRIENDS NIYA. Kapag ang partner mo ay madalas lumabas kasama ang kanyang mga kaibigan at hindi ka isinasama sa plano, sign na rin ito. At kapag nangyari ito, may tendency na lalong matakot ang isa na masira ang relasyon kaya malamang ay ipipilit niya na sumama sa mga lakad mo o hindi ka payagang umalis at hindi umano ito healthy dahil dito na papasok ang pagtakas kapag hindi pinayagan o pagsisinungaling.

3. HINDI NAG-E-EFFORT. Para magkaroon ng balanced at healthy relationship, hindi lang isa ang dapat mag-initiate ng lahat ng bagay habang nagpapatuloy ang relasyon. Kapag hindi strong ang interes ng iyong partner para dalhin sa next level ang inyong relasyon, lalong nawawala ang initiative at pagiging affectionate niya. In short, magkakalayo lang ang loob ninyo at mauuwi ito sa hiwalayan.

4. WALANG PLANO PARA SA FUTURE. Kapag ipinararamdam sa iyo ng partner mo na excited siyang makasama ka sa future, oks ‘yun. Pero kung hindi, alam mo na. Kahit wala pa sa plano niya ang pagpapakasal, siguradong may mababanggit siya na kahit ano tungkol sa future tulad ng mga travel, plano sa inyong anniversary o birthday at marami pang iba. Kapag walang ganitong ganap sa inyong relasyon, it’s a sign, beshy.

5. HINDI PRIORITY ANG RELASYON NINYO. Marami nang relasyong nasira dahil hindi naging priority ng kanilang partner ang relasyon kaya hindi nag-work. Ayon sa mga eksperto, para mag-work ang relasyon, kailangang mag-effort ang mag-partner at maging consistent.

Oh, mga besh, kung nag-aalangan kayo sa inyong relasyon, check the signs, ha? Gayundin, make sure na ise-share ninyo ang mga ito sa kakilala ninyong hindi oks sa kanilang relationship. Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page