top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Habang nasa isla raw sila… Nathalie, gustong paghubarin si Piolo para lumabas ang itinatago

  • Beth Gelena
  • Dec 9, 2019
  • 1 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Nag-guest si Nathalie Hart sa pro­grama ni Boy Abunda na Tonight with Boy Abunda at ‘kaaliw ang segment na hahampasin o haharutin.

Nang ipinakita ang picture nina Zanjoe Marudo at Jericho Rosales kay Nathalie, mas pinili ng sexy star ang una. Haharutin niya si Zanjoe at tiyak na mag-i-enjoy daw siya kapag naka­sama ito. Si Echo kasi ay hindi pa niya nakakatrabaho o nakakasama kaya wala siyang masyadong alam tung­kol sa ma­husay na aktor.

Sabi ni Nathalie, gusto rin niyang ha­rutin si Coco Martin, pero mas na­ka­lalamang daw si Piolo Pascual. Gusto niyang malaman kung ano ang mga itinatago ng dalawang aktor.

Higit sa lahat, gusto niyang maka­sama sa deserted island si Papa P. para kapag sobrang init ay maghuhubad ang aktor.

Sa dalawang politicians na sina Mayor Isko Moreno at Mayor Vico Sot­to, mas haharutin daw niya ang Manila mayor.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page