top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Litung-lito kung sino sa hindi byuting GF at sa seksing ka-fling ang pipiliin para maging asawa

  • Maestro Honorio Ong
  • Dec 8, 2019
  • 2 min read

Dear Maestro, May girlfriend ako na hindi masyadong maganda, pero mabait siya. Kaya lang, may nakilala akong babae sa social media at nagkita kami. Nang magkita kami, roon ko natuklasan na bukod sa maganda at sexy siya, parang nagustuhan ko na siya. Ano ang dapat kong gawin at sino sa dalawang babaeng ito ang mas ka-compatible at mapapangasawa ko? Sa totoo lang, may nangyari na sa amin ng girlfriend ko, pero hindi ko alam dahil mula nang natikman ko ang babaeng ito na mas bata at maganda sa girlfriend ko ay hindi na siya mawala sa isipan ko at kapag nagkikita kami ay may nangyayari sa amin. Ang birthday ko ay November 1, 1992, ang girlfriend ko naman ay June 29,1993 at ang tinutukoy kong babae ay December 8, 1994 naman ang birthday. Maestro, sino sa kanila ang makakatuluyan ko at mapapangasawa?

Umaasa, Donald ng Santa Ana, Taytay, Rizal

Dear Donald, Dapat mapaghiwalay mo ang init ng katawan at tunay na pag-ibig o totoong pagmamahal at kalib*gan. Minsan, bagama’t magkasama ang init ng katawan at pag-ibig sa iisang babae, mas madalas itong magkahiwalay.

‘Ika nga sa usapan ng kalalakihan na nakaistambay sa kanto na malapit sa amin nang may nagdaraang seksing babae, “‘Yan ang masarap na pangkama!”

Tulad ng nasabi na, maaaring ang babaeng tinutukoy mo ay masarap lang sa kama, pero hindi mo naman totoong iniibig at minamahal.

Sa kabilang banda, kung ikukumpara mo ang iyong girlfriend na hindi masyadong kalib*g-lib*g pagmasdan sa kaibigan mo, maaaring siya ang tunay na pambahay o pang-asawa na.

Naniniwala akong nauunawaan mo ang mensaheng nais kong iparating sa iyo. Kumbaga, iba ang babaeng pang-asawa sa babaeng pangkama.

Kaya nga hindi ka dapat maligaw ng landas at huwag ka ring magkakamali ng batayan sa pagpili ng babaeng mamahalin habambuhay.

Ang babaeng pangkama ay kadalasang nagiging kabit habang ang babaeng pang-asawa na ang kadalasang nagiging reyna ng tahanan, mabuting ina ng inyong mga anak at mahusay na maybahay at mabuting misis ng tahanan na panghabambuhay mong makakasama.

Samantala, kung purong astro-Numerology ang pag-uusapan, si Ms. December na may zodiac sign na Sagittarius, tulad ng nasabi na, posibleng magalaw mo rin siya, pero palagi mong tatandaan na hindi siya ang babaeng pang-asawa.

Habang ang kasalukuyan mong girlfriend na isinilang sa zodiac sign na Cancer ang tunay ngang babaeng pang-asawa na at karapat-dapat maging ina ng iyong mga anak at mahusay na misis ng tahanan na habambuhay mong makakasama.

Ang zodiac sign mong Scorpio ang nagsasabing makaka-fling mo rin si Ms. December, pero huwag mo namang pangarapin na siya ang iyong mapapangasawa sapagkat ang higit mong ka-compatible ay ang iyong girlfriend.

Sa ganyang batayan at pag-aanalisa, ang iyong girlfriend ang dapat mong piliin dahil siya ang tunay na ka-compatible mo, gayundin, siya ang babaeng pambahay at pang-asawa.

Kapag dumating ang panahon na gusto mo nang mag-asawa, sa piling ng kasalukuyan mong girlfriend, may pangako ng maligaya, maunlad at panghabambuhay na pagpapamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page