Bagong rebond, shopping galore atbp... Signs na may 13th month pay na ang BFF o kapamilya
- Jersey Sanchez
- Dec 8, 2019
- 2 min read

Lahat tayo ay may kani-kanyang plano kung paano gagastusin ang ating pinaghirapang 13th month pay. Kung ‘yung iba ay ipinagsisigawang hindi na sila poor o petsa de- peligro no more, siguradong may mga beshie tayo r’yan na quiet lang para hindi mahiritan ng libre o mayayang gumala.
Agree? Gayunman, paano natin malalaman kung may 13th month pay na ang ating mga friend, workmate o kapamilya? Mga besh, narito ang ilang signs:
1. BAGONG HAIR STYLE. Bagong rebond, highlights o perm, ganern! ‘Yung feeling na magugulat ka na lang dahil akala mo ay may bago kang FB friend, ‘yun pala, siya ‘yung mala-tita mong kaibigan na nakapag-withdraw na ng 13th month pay. Ha-ha-ha!
Well, hindi naman natin sila masisisi dahil who knows kung ito ang kanilang paraan para bigyan ng reward ang kanilang sarili matapos magtrabaho nang mabuti ngayong taon, ‘di ba?
2. SHOPPING GALORE. Dedma kung sale o hindi dahil kapag nagustuhan nila ang item, awtomatikong magpapakuha ng size at magsusukat. Tama ba? Hindi nila ito palaging ginagawa dahil hangga’t hindi naka-sale ay hindi mo sila mapapabili. Ha-ha-ha!
Gayundin, kapag palagi silang laman ng mga tiangge, department store at umuuwing tila Christmas Tree dahil sa dami ng nakasabit na shopping bags sa kanilang braso, alam na!
3. ADD TO CART PA MORE. Siyempre, hindi natatapos sa mall ang pagsa-shopping nila dahil hindi rin sila magpapaawat sa mga sale sa shopping websites. ‘Yung feeling na nakatambay sila rito para maghanap ng items na puwedeng bilhin kahit hindi naman nila kailangan, gayundin, marami silang free shipping voucher dahil lagpas na sa minimum spend ang kanilang na-add to cart. Ha-ha-ha!
4. BAYAD NA ANG MGA UTANG. Bukod sa nakapag-shopping ng mga panregalo at gamit sa bahay at makeover nila, wala na rin silang inaalalang utang sa canteen, officemate at loan. Mga besh, ‘wag natin silang i-judge kung mabilis naubos ang kanilang pera dahil sa totoo lang, isa ito sa mga wais move para magkaroon ng stress-free holiday. Okie?
5. UNLI-KAIN. Ayan, ayan! ‘Yung mga hindi mo mayayang kumain sa fast- food o samgyupsal noon, sila pa ang magyayaya sa-‘yo ngayon. Malalaman mo agad na may ‘datung’ na siya kapag hindi mo pa niyayaya ay pumayag na siyang sumama sa inyo. Ha-ha-ha! Diet no more, ganern!
Ang dali lang malaman, ‘di ba? Anu-ano pang mga signs ang napapansin n'yo sa inyong mga kaibigan, kapamilya o workmates?
Gayunman, kahit iba-iba tayo ng trip na pagkakagastusan, make sure na hindi natin kalilimutan ang ating mga responsibilidad tulad ng bills, pagkain at iba pa. Huwag din tayong buraot sa mga may 13th month pay na dahil who knows, kung ano ang mga plano nila, ‘di ba? Gets mo?





Comments