P10 milyong pabuya kada Pinoy gold medalist, ang saya!
- Ka Ambo
- Dec 7, 2019
- 2 min read
May P10 milyon pabuya ang mga Pinoy gold medalist sa 30th Southeast Asian Games.
‘Yan ang totoong ‘merry’ ang Christmas!
◘◘◘
NAGKAISA ang mga kongresista na bigyan ng pambihirang regalo ang mga naghahandog ng karangalan sa bansa.
Tiyak na walang magrereklamo!
◘◘◘
ANG badyet ay magmumula sa sariling bulsa ng mga kongresista na huhugutin mula sa kanilang suweldo para sa Enero 2020.
Klap! Klap! Klap!
◘◘◘
IPATUTUPAD ang P10 milyong pabuya kada gold medalist sa batay sa House Resolution No. 568.
Inendorso ang naturang panukala nina Speaker Alan Peter Cayetano, Majority Leader Martin Romualdez, deputy speakers na sina Paolo Duterte, Prospero PichayPhilippine Olympic Committee (POC) President Rep. Abraham Tolentino at Sports Committee Chairman Eric Martinez!
◘◘◘
DAGDAG lamang ang P10 milyon sa cash incentives na ipagkakaloob ng POC sa mga medalists.
Dambuhalang bonus ‘yan!
◘◘◘
PUMALO na sa mahigit 60 gold medals ang naimarka ng mga Pinoy sa ikaapat na araw ng biennial meet.
Sana ay magkaloob din ng cash incentives ang mga senador at pribadong korporasyon.
‘Yan ay isang malaking tama!
◘◘◘
MAIPAKIKITA natin sa buong mundo na suportado ng mamamayang Pinoy ang bidding sa 2030 Asian Games bilang punong-abala ang Pilipinas.
‘Yan ay aktuwal na We Win As One!
◘◘◘
TINANGGAP na ni Lt. General Guillermo Eleazar ang kanyang 3-star rank.
Batay ito sa aktuwal na merito at may endorso ng Civil Service Commission, PNP at DILG.
Congrats po!
◘◘◘
MAY ulat na nasa hit list ng mga pusakal na drug lords si Gen. Eleazar dahil aktuwal niyang pinamunuan ang pagbabaklas ng mga kubol ng drug traffickers sa Bilibid katuwang ang bagong BuCor chief na si Gen. Gerald Bantag.
Natuklasan na nagiging command post ng mga drug lords ang Bilibid.
Pero diniskaril ito nina Gen. Eleazar at Gen. Bantag!





Comments