top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Napasubo at napilitan lang sa trabaho, nagsawa gusto nang mag-resign

  • Roma Amor
  • Dec 7, 2019
  • 1 min read

Dear Roma, Tatlong taon na akong graduate ng Mass Communication at wala pa rin akong regular na trabaho. Mula nang gumradweyt ako, nagtatrabaho ako bilang freelance graphic artist kahit hindi talaga ‘yun ang plano ko. Wala lang akong choice noon dahil kailangan kong kumita para maka-survive ako. At ngayon, pakiramdam ko ay nagsasawa na ako sa ginagawa ko, although, hindi naman ito regular. Siguro ay kailangan ko nang i-pursue ang gusto kong pagsusulat. Ano sa tingin n’yo? —Eunice

Eunice, Iha, mahirap talagang manatili sa isang trabaho kung hindi talaga ‘yun ang gusto mo at ginagawa mo lang ‘yun para maka-survive. Kung noon ay wala kang lakas ng loob para tuparin ang mga pangarap mo, bakit hindi mo subukan ngayon? Sabi nga nila, hindi ka mananalo kung hindi ka susugal kaya ipinapayo namin na kung pagsusulat ang talagang gusto mo, gawin mo na. Good luck!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page