Kahit 1 yr. pa lang mag-BF, sure na raw… Final answer ni Jake: Si Kylie na talaga ang the one!

Mainit na mainit ang Pasko ngayon ni Jake Cuenca dahil sa girlfriend na si Kylie Verzosa. One year pa lang ang relationship nila at kitang-kita naman sa aktor nang dumalo siya sa presscon ng The Haunted na sobrang happy siya ngayon.
For this Holiday Seasons, Jake and Kylie are planning to take an Asian cruise pero dahil nga may Metro Manila Film Festival movie siya, ang Mission Unstoppable with Vic Sotto and Maine Mendoza, after Christmas na sila aalis.
“First time kong mag-cruise, tapos kasama rin ang family niya (Kylie),” pag-i-inform ni Jake.
So, talagang mainit ang Pasko niya?
“Masaya, thankful at cozy ang Pasko,” sambit niya.
At dahil nga usung-uso ang engagement ngayon at kasalan, natanong namin si Jake kung nakikita na ba niya ang sarili na mag-settle down in the near future with Kylie.
“Wala pa, pero ‘yung mga ganu’ng plano, hindi na malayong tingnan ngayon. Pero siyempre, si Kylie, kaka-start lang ng career niya, so gusto kong ma-enjoy niya ‘yun.
“Nakikita ko na very passionate siya about acting, about being an advocate for mental health, so gusto ko namang ma-enjoy niya ‘yun.
“So, no pressure. ‘Yun din naman ‘yung kumaga, sikreto kung ba’t masayang-masaya kami. Kasi, wala kaming pressure talaga,” sey ni Jake.
Kung dati ay hindi pa nakikita ni Jake ang right girl for him, ayon sa aktor, this time ay nakita na niya.
“Kung nasaan ako ngayon, hindi tulad ng dati na hindi ko pa makita ‘yun. Ngayon, hindi na siya malayo. Para sa akin, siya na talaga. She’s the one,” he said.
Ang bilis nga raw dumaan ng one year sa kanilang relasyon dahil wala talaga silang kaproble-problema.
“Walang stress, walang problema, lalo na nu’ng nagkaroon din kami ng time after ng Bastardos (seryeng Los Bastardos na pinagsamahan nila ni Kylie), nakapagbakasyon kami. So, back to work kami ngayon,” sabi ni Jake.
Nang matanong kung ano ang nakita niya kay Kylie na hindi niya nakita sa iba, ang sagot ni Jake, “Kay Kylie, alam niya kung ano ang gusto niya, eh. At ‘pag sinasabi niya sa akin na mahal niya ako, parang walang kaduda-duda. Alam ko agad. Ako rin naman.
“Napaka-supportive niya pagdating sa career ko, napaka-loving niya, naaalagaan niya talaga ako nang maigi, ‘yun din ang ginagawa ko para sa kanya,” dagdag pa ng aktor.
Kelan naman niya nakikita ang sarili na magpo-propose at mag-aasawa na?
“Wala pa naman akong set na edad, pero parang as early as now, pinaghahandaan ko na. In terms of financial, in terms of ‘yung lifestyle ko rin ngayon, ‘yung kung paano ko rin inirerepresenta ang sarili ko ‘pag nasa labas ako, kasi alam kong nakadugtong din ang pangalan ko sa pangalan niya, ayokong mapahiya siya.
“Financially din, ‘yun ‘yung pinaghahandaan ko. Ipon lang. Ipon lang nang ipon. Hindi na masyadong magastos. Hindi na laging naka-sports car kadabuwan na dumaan,” masayang sabi pa ni Jake.
Ayon pa sa aktor, ito na raw ang best version ng sarili niya dahil kay Kylie.
Samantala, masayang-masaya si Jake na makatrabaho ulit si Shaina Magdayao after 7 years. Huli nilang pinagsamahang proyekto ay ang Kung Ako’y Iiwan Mo noong 2012.
The deciding factor talaga ang aktres kung bakit niya tinanggap ang The Haunted. Kasama pa raw si Denise Laurel na napakatagal na rin niyang kakilala since Click days pa sa kabilang istasyon.
Komento nga ng press, parang MMFF movie lang daw ang The Haunted since kapag Kapaskuhan ay patok na patok ang mga horror films.





Comments