Horoscope | Disyembre 7, 2019 (Sabado)

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 7, 2019 (Sabado): Gaganda ang takbo ng kapalaran mo habang lumalakad ang iyong mga panahon. Sa huli, ang katuparan ng mga pangarap mo ay mapasasaiyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang sumalungat sa agos ng iyong kapalaran nang sa gayun ay hindi ka masaktan at mabigo. Kasalukuyang inaayos ng langit ang buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-16-20-23-39-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang mga araw pang darating. Muling ibinalik ng iyong kapalaran ang mga araw na ikaw ay mapalad nang sa gayun ay malubos ang iyong kalagakan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-18-23-28-30-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi paatras ang takbo ng iyong buhay. Pansamantala itong hindi gumagalaw bilang paghahanda sa pagbalik sa iyo ng aktibo at mabungang mga araw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-16-29-30-33-36.
CANCER (June 21-July 22) - Magbigay ka at tatanggap ka. Ang matatanggap mo mula sa langit ay higit na marami at malaki kaysa sa mga nabawas sa kabuhayan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-17-21-25-27-32.
LEO (July 23-Aug. 22) - Palakas nang palakas ang iyong likas na gayuma. Mapapansin mo ito dahil marami ang nagpaparamdam sa iyo at marami ang naghahangad na maging bahagi ka ng kanilang buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-18-22-28-31-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magpapalit ng plano kahit sa biglang tingin ay hindi pabor sa iyo ang mga nagaganap sa iyong harapan. Hindi magtatagal ay tutugma rin ang mga ito sa mga kagustuhan mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-11-15-26-33-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung saan ka masaya, roon ka. Kahit sino naman, hindi gugustuhin na siya ay malungkot. Pakinggan mo ang utos ng iyong damdamin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-11-12-25-30-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pagdamutan ang iyong sarili. Magsaya ka at maglibang, mamasyal at kumain ng masasarap. Ang bukas ay darating pa lang. Ang mahalaga ay masaya ka ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-14-18-24-25-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Alisin mo ang nakasanayan mo at ikaw ay mapag-iisa. Makibahagi ka sa karamihan na naghahanda upang pasayahin ang kapwa. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-10-15-16-20-21-23.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magkakatotoo sa buhay mo ang mapalad ang nagbigay kaysa sa tumanggap. Magbigay at papalarin ka dahil ang mga walang hinangad kundi tumangap ay hindi magkakaroon ng magandang buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-17-18-21-24-26.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Masarap mabuhay sa piling ng mga kaibigan, pero sa mga kaibigang masayahin at hindi malulungkutin. Pansamantala kang umagwat sa mga kakilala mong mga problemado. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-16-29-30-31-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sukatin mo ang kakayahan ng nagpapakita sa iyo ng pagtingin. Sa ganitong paraan, hindi ka magsisisi. Huwag mo nang ulitin ang hindi mo pagpapagana sa iyong isip. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-16-22-25-32-45.




Comments