top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Girls, alamin n’yo na para hindi tamang duda… Pagkabading o pagiging bisexual, makikita sa guhit ng

  • Maestro Honorio Ong
  • Dec 7, 2019
  • 2 min read

Maestro Honorio Ong

Katanungan

  1. Ano ang ibig sabi­hin kapag maraming bilog o islands ang Heart Line at may isa ring bilog sa Head Line? Ganyan ang nakita ko sa guhit ng palad ng manliligaw ko, pero hindi ko pa siya si­nasagot. Naintriga lang ako dahil maraming bi­log ang Heart Line niya.

  2. Itatanong ko na rin kung sino at kailan ko makikilala ang lalaking nakatakda kong maging first boyfriend, mapa­nga­sawa at makasama habambuhay sa pagbuo ng pamilya?

Kasagutan

1. Siguradong kapag ang Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanang palad ng lalaki ay maraming bilog o mala-kadenang Heart Line (arrow a.), ito ay tanda na ang nasabing lalaki ay may pagkabakla.

Hindi mo ito agad ma­hahalata, sa halip, kaila­ngang kum­pirmahin ito ng dalawa pang palatandaan sa pa­lad, na ang una ay ang bilog o island sa Head Line (Dra­wing A. at B. H-H arrow b.) sa kaliwa at ka­nang palad at ang panga­lawang kum­pirmasyon kung may pagkabakla ang nasabing lalaki ay ang nagdodobleng Venus Line (Drawing A. at B. V-V arrow c.) sa kaliwa at ka­nang palad.

2. Kung present sa manliligaw mo ang nasa­bing tatlong mahahala­gang palatandaan, tiyak ang tendency, may pagka­bading ang manliligaw mo.

Bagama’t naitatago pa niya ito, sa bandang huli, kapag matagal na kayong magkakilala, mapapansin mo rin ang kanyang pagi­ging bading tulad ng ku­sang pagpilantik ng mga daliri sa kanyang mga ka­may.

Pero siyempre, pu­wede ring bukod sa bading ay bisexual siya na ang ibig sabihin ay puwedeng umi­big sa babae at kapwa lalaki.

Mga Dapat Gawin

1. Ang nasabing tat­long mahahalagang tanda sa kaliwa at kanang palad ng lalaki upang makum­pirma na siya ay may pag­kabading ay masasabi pa rin nating tendency o ma­aari lamang.

Gayun­man, kung sad­yang present sa kaliwa at kanang palad ng manlili­gaw mo ang guhit a. b. at c., hin­di masamang mag­duda ka sa pagkalalaki niya at ka­sabay ng pagdududa, mas mabuting mag-imbes­tiga ka sa kanyang priba­dong buhay upang kapag na­kumpirma mong may pag­kabading ang manlili­gaw mo, hangga’t maaari ay hindi mo siya dapat sa­gu­tin at mapangasawa.

2. Ayon sa iyong datos, ang kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad ang nagsasabing ang unang magiging boyfriend mo na pangmatagalan at seryo­song relasyon ang siya na ngang nakatakda mong ma­pangasawa at maka­sama sa pagbuo ng ma­ligaya at panghabambuhay na pamilya na nakatakda mong makilala sa 2020 sa buwan ng Abril hanggang Mayo sa edad mong 33 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page