top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Watanabe, gold sa judo; 1 silver, 3 bronze

Gerard Arce
Dec 6, 2019
2 min read

Photo: gmanetwork

San Fernando, Pampanga – Bumalibag ang Laus Group Event Centre, Huwebes, dito. Ibinulsa ni 2018 Jakarta-Palembang Asian Games silver medalist Kiyomi Watanabe ang kanyang ika-4th na sunod na gold medal sa women’s under-66kgs division ng judo matapos walisin ang kanyang mga kalaban sa pagpapakita ng swabe at malulupet na grappling techniques.

Naunang inilampaso ng 23-anyos na Cebu Native Chu Myat Noea Wai ng Myanmar sa pamamagitan ng grappling technique, habang sunod na inihiga nito si Nik Norlydiawati Nik Azan ng Malaysia na nakapag-uwi naman ng silver medal. “I’ am very happy and contented,” wika ni Watanabe na maghahanda para sa susunod niyang misyon na makakuha ng puwesto sa 2020 Tokyo Olympics, kung saan mayroon na itong Continental Quota ayon sa International Judo Federation.

Ibinalibag ni Shugen Nakano ang ikalawang gintong medalya ng bansa sa men’s Judo under-66kgs category matapos paliparin si Budi Prasetiyo ng Indonesia sa nalalabing 17 segundong ng championship match. Isang matinding Yoko-Tomoenage technique ang ibinuhos ni Nakano para makuha ang isang full-point score (Ippon) na nagbigay sa kanya ng kauna-unahang gintong medalya matapos makakuha lamang ito ng bronze medal sa nakalipas na 2017 Kuala Lumpur Games.

Kamuntikan ng maunsyami ang pangarap ni Nakano na makuha ang gold medal matapos itong mabato ng Indonesian opponent sa 39 segundo ng laro at maiskoran ng waza-ari. Ngunit hindi natinag ang 22-anyos na Filipino-Japanese, kaya’t naghanap ito ng paraan para makuha ang panalo.

“Malaking bagay iyong nasa harap ako ng mga Filipino ng nagchi-cheer sa akin, kaya sila iyong ginawa kong motibasyon para manalo,” pahayag ni Nakano sa pamamagitan ng isang interpreter.

Magagawa namang magretiro na ng tuluyan ni dating 2013 Myanmar SEA Games Gilbert Ramirez ng maluwag sa loob dahil sa natamo nitong magandang karangalan bago matapos ang kanyang karera bilang atleta, makaraang magwagi ito ng silver medal sa men’s under81kgs half-middleweight division. Muli na namang tinanghal na kampeon ng naturang kategorya si Thai-Japanese Masayuki Terada ng makakuha ito ng dalawng panalo kina Ramirez at Chitakon Xarasan ng Lao. Ito ang ikalawang beses na nabigo si Ramirez laban kay Terada noong 2015 Singapore. Nagbitbit rin ng tatlong tansong medalya ang Pilipinas mula sa kina Filipino-Japanese Rena Furukawa sa women’s under-57jkgs division, 2-time UAAP MVP Khrizzie Pabulayan sa women’s under-52 half-lightweight category at back-to back bronze medalist bronze medal winner Keisei Nakano sa men’s under-73kgs lightweight category na nagawang mapagwagian ito noong 2017 Malaysian meet. “Sa tingin po namin naging maganda po iyong pagsisimula ng kampanya namin today kase lahat po ng naglaro ay nakakuha ng medalya. We’re hoping that we can get another gold o golds bukas (ngayon),” pahayag ni Philippine Judo Federation head coach Franco Teves.

Nakatakda pang sumabak ngayong araw, Biyernes, si reigning women’s under 70kgs Maria Takahashi at mga laro sa women’s under 78kgs at over 78kgs gayundin sa men’s under 90kgs, under 100kgs at over 100kgs categories.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page