Si Alden lang daw ang nag-iisang choice sa movie, pero… Daniel, nagsalita na, Kathryn at Star Cinema
- Nitz Miralles
- Dec 5, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Hindi na siguro sasagutin ni Alden Richards ang nabanggit ni Daniel Padilla sa guesting nito sa Tonight with Boy Abunda na sa kanya unang in-offer ng Star Cinema ang role ni Ethan del Rosario sa super hit movie na Hello, Love, Goodbye.
Paliwanag ni Daniel, tinanggihan niya ang project dahil may usapan sila ni Kathryn Bernardo na hindi muna gagawa ng project na magkasama sa 2019.
Kung sagutin man ni Alden ang isyu, siguradong ang sasabihin niya ay hindi magiging dahilan para muling magsagutan at mag-away sa social media ang mga fans nila ni Daniel.
Actually, hindi na isyu kung kanino unang in-offer ang HLG dahil naipalabas na, kumita na at napanood na at kita na may chemistry sina Alden at Kathryn kahit hindi sila magka-love team. Kaya lang, sa inamin ni Daniel na siya ang first choice sa role ni Ethan, papaano na ang sinabi ni Kathryn at ng mga taga-SC na only choice si Alden at only option siya?
Anyway, sabi nga namin, ‘wag nang palakihin ang isyu dahil kumita na ang HLG at tapusin na sana ng mga fans ng dalawang aktor ang pagtatalu-talo dahil sa movie.
Samantala, guest sa The Gift ang best friend ni Alden na si Baste sa role ng batang kalye na mahuhuli ni Sep (Alden) na nagnakaw ng natira nilang pagkain.
Natuwa ang mga viewers na magkasama ang dalawa na alam nilang nami-miss na ang isa’t isa dahil hindi muna pumapasok sa Eat...Bulaga! si Alden.





Comments