Pinoy athlete sa SEA Games, crush daw… Hirit ng netizens: Mark, nilalandi ang gymnast na si Carlos Y
- Janice DS Navida
- Dec 5, 2019
- 1 min read

Pinagpipiyestahan ngayon ng mga netizens sa social media ang pag-follow sa Instagram at direct message ng singer na si Mark Bautista sa 2019 Southeast Asian Games two-time gold medalist gymnast na si Carlos Yulo.
Sa sobrang pagkabigla at pagka-overwhelmed kasi siguro ng 19-anyos na atleta, agad-agad nitong ipinost kahapon (Dec. 4) sa kanyang Twitter account ang screenshot ng pag-follow at pag-DM sa kanya ni Mark na ganito ang nakasaad: “Congrats man!! Amazing!!”
Dahil direct message nga ang ginawa ni Mark at hindi basta comment lang sa socmed post ni Yulo, binigyan ng malisya ng ilang netizens ang gesture ng Kapuso singer.
Agad hinusgahan ng iba si Mark na pini-flirt daw nito ang 19-anyos na Pinoy athlete dahil nakita raw siguro ng singer ang ganda ng abs ni Yulo.
Kung matatandaan, last year (2018) ay umamin si Mark Bautista na bisexual ito at ito ang pinaghuhugutan ngayon ng malisya ng mga netizens na crush daw siguro ni Mark si Carlos Yulo kaya nag-direct message ito sa huli.
Agad namang ipinagtanggol ni Yulo si Mark sa malisyosong comments ng mga netizens.
Paliwanag ng atleta, out of excitement kaya niya nai-tweet ang pagbati sa kanya ni Mark pero wala siyang ibang ibig sabihin o gustong iparating sa kanyang ginawa.
Tweet ni Carlos Yulo, “It saddens me to see tweets about @iammarkbautista because of my tweet out of excitement. Kindness, message of encouragement and appreciation is not a sign of flirting. Let’s focus on #SeaGames2019 and winning as One.”
Eh, di ‘yun na nga! Pak!





Comments