Horoscope | Disyembre 5, 2019 (Huwebes)

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 5, 2019 (Huwebes): Ituloy mo lang at huwag kang mag-aalinlangan sa iyong sarili na ang iyong pagsisikap na makamit ang iyong mga pangarap ay tiyak na mapasasaiyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magtatangka ang ilang kontrabida sa buhay mo na hadlangan ka sa papasulong mong buhay. Mga negatibong pananaw ang maririnig mo na parang totoo, huwag kang sumakay! Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-10-17-20-35-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka nang kumilos dahil kapag hindi ka naging abala sa pagkilos, sa maniwala ka o hindi, mawawalan ka ng tiwala sa kakayahan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-17-26-28-30-32.
GEMINI (May 21-June 20) - Lumayo ka sa malungkot dahil baka maawa ka tulad ng sakit na ang kalungkutan ay nakahahawa rin. Kapag malungkot ang tao, nawawalan na siya ng gana na magsikap sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-18-27-31-36-43.
CANCER (June 21-July 22) - Sundan mo ang mga yapak ng mga nagtatagumpay na, ito ay simpleng susi ng buhay na maunlad. Ibig sabihin, hindi puwede na hindi ka gagalaw o hahakbang. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-19-29-30-31-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Bilang pagtatapat sa iyo, tunay na may kahirapan ang pagtahak mo sa landas ng tagumpay pero ito ay pansamantala lang, pero tinitiyak din ng iyong kapalaran na ito ay iyong malalagpasan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-16-20-23-31-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kikilos ang mga naiinggit sa iyo na pabagsakin ka. Hindi sila mananaig at sila ang magsisibagsak. Ito ang nakatutuwa sa iyo dahil sa dami ng iyong kahinaan, ikaw pa rin ang panalo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-23-30-38-40-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong bigyang-pansin ang mga naririnig mong usapan sa iyong paligid. Maganda man o pangit ang mga ito, huwag mong pakialaman at ituloy mo lang ang iyong sariling diskarte sa buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-15-17-20-21.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maluwag ang landas ng buhay na iyong tinatahak, pero inaakala mong maraming sagabal kung saan ang mga ito ay nasa isip mo lang naman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-27-29-30-32-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Para sa iyo ang mga araw na ito at ang mga araw na darating. Pagbutihin mo at ibigay mo ang lahat ng iyong makakaya. Ito ang payo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-12-20-21-40-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong dayain ang sarili mo at gawin mong batayan ang iyong mga nakikita dahil ‘yun ang katotohanan at ang kasinungalingan ay nakatago sa mga kuwentong naririnig mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-20-21-29-33-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang mabahala kapag ang mga kaganapan ay parang sobrang bilis na natatapos. Ito ay proseso ng katalagahan kung saan sa huli, ikaw ang pinakasuwerte sa lahat. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-19-27-30-33-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bakit ka hihingi ng tulong kung sasakit lang ang ulo mo sa tutulong sa iyo? Subukan mo muna itong gawin nang mag-isa ang mga gusto mong mangyari. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-17-20-30-32-34.




Comments