Call center agent, mas uunlad kung lilipat sa ibang kumpanya, makakapag-abroad pa
- Maestro Honorio Ong
- Dec 5, 2019
- 2 min read
Maestro Honorio Ong

Katanungan
Nagtatrabaho ako sa call center company, kaya lang naliliitan ako sa aking suweldo dahil bukod sa palagi akong puyat, malayo pa ang inuuwian ko kaya balak ko nang mag-resign at lumipat sa ibang kumpanya na may mataas na suweldo.
Kung lilipat ako sa kalaban naming kumpanya, papalarin kaya ako? Marami akong mga kasamahan na naglipatan na at naiinggit ako sa kanila dahil ang laki-laki na ng suweldo nila.
Ano sa palagay n’yo, dapat ba akong lumipat o magtiyaga na lang sa kasalu-kuyan kong kumpanya at hintayin na taasan nila ng su-weldo ko, tutal gamay ko na ang trabaho rito at hindi naman ako nahihirapan sa work ko?
Kasagutan
Tama ang iniisip mo, Jenny, mabuting lumipat ka na ng kumpanya na magbibigay sa iyo ng malaking suweldo kaysa sa kasalukuyan mong company, dahil sa iyong paglipat, siguradong mas magiging maganda ang future mo roon, lalo na sa aspetong pampinansiyal. Ito ang nais sabihin ng nagbago, ngunit kumapal at luminaw na Fate Line na tinatawag din nating Career Line (Drawing A. at B. F-F arrow a. at b.) sa kaliwa at kanan mong palad.
Tanda na tulad ng nasabi na, tama ang iniisip mo, lumipat ka na ng kumpanya kung sadyang mababa ang suweldo mo dahil kung mas maganda ang offer sa ibang kumpanya, tama ka, mas uunlad at aasenso ang buhay mo at ng inyong pamilya sa aspetong pampinansiyal.
Ang pag-aanalisang uunlad ka sa ibang kumpanya kung lilipat ka ay madali namang kinumpirma ng destiny number mong 1 na nagsasabing habang hindi mo natatagpuan ang suwetong suweldo na gusto mong itapat sa ginagawa mong paglilingkod sa mga kumpanya na pinapasukan mo, magpapalipat-lipat ka man hanggang sa bandang huli ay kusa ka ring susuwertehin at aasenso, higit lalo kung ang mapapasukan mong kumpanya ay may kulay dilaw, berde o itim na logo. Sa nasabing kumpanya, tataas at lolobo ang iyong suweldo at mas mabilis kang uunlad kung saan mabibili mo na ang halos lahat ng luho at gusto mong bilhin sa buhay mo.
Mga Dapat Gawin
Ayon sa iyong mga datos, Jenny, siguraduhin mo munang tanggap ka na sa lilipatan mong kumpanya bago ka mag-resign. Sa ganyang paraan, kahit nag-resign ka, hindi ka na mababakante, sa halip, kahit papaano ay tuluy-tuloy pa rin ang iyong suweldo.
Habang ayon sa malawak at malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad, bukod sa tataas ang iyong suweldo, magkakaroon ka rin ng pagkakataong makapangibang-bansa sa pamamagitan ng tulong at suporta ng kumpanyang lilipatan mo, kaya lalo mo pang mae-enjoy ang iyong trabaho kung saan nadagdagan na ang iyong suweldo, makapag-a-abroad ka pa nang libre. Ang nasabing suwerte at magandang kapalarang nabanggit ay nakatakdang mangyari sa 2020 hanggang 2021 sa edad mong 32 pataas.




Comments