Bawal sa maraming tao… Kris, nakaratay na

Photo: @krisaquino
Marami ang nakiramay at nagpadala ng bulaklak sa ikalawang gabi ng lamay ng ina ni King of Talk Boy Abunda na si Licerna Romerica-Abunda sa Arlington Memorial Chapel.
Nabungaran naming papasok ng chapel sina Ricky Davao at Arron Villaflor habang kausap ni Kuya Boy at partner niyang si Bong Quintana sina Bayani Agbayani, Christine Bersola at mister niya na si Julius Babao.
Dumating din that night si Bianca Gonzalez kasama ang mister niyang si JC Intal pero hindi na sila nagtagal at umalis din.
Pumanaw ang ina ni Kuya Boy noong Sunday pagkatapos ng 67 days na pamamalagi sa St. Luke’s Medical Center. That same day ang cremation ng kanyang ina. Monday ay nasa chapel na ng Arlington ang urn na pinaglalagyan ng abo ng pinakamamahal na ina ni Kuya Boy.
Habang nasa ospital si Nanay Lesing ay du’n na rin tumutuloy at nag-i-stay si Kuya Boy para bantayan ang kanyang ina. At kahit nagkakasakit na si Kuya Boy, nakabantay pa rin siya kay Nanay Lesing. Habang nasa ICU si Nanay Lesing, si Kuya Boy lang ang allowed na pumasok.
Nu’ng huli naming makausap si Kuya Boy sa taping niya ng The Bottomline ay naikuwento niya na the other night lang ay nagsisigaw siya habang binabaybay ang EDSA papunta ng ospital nu’ng makarating sa kanya ang paglala ng kalagayan ni Nanay Lesing. Pero laking-pasasalamat niya nu’ng bumuti na ulit ang kalagayan ng kanyang ina pagdating niya ng ospital.
Sa unang gabi ng wake ni Nanay Lesing, isa sa mga maagang nakiramay kay Kuya Boy si Ai Ai delas Alas at iba pang talents ng Asian Artists Agency.
On the first night, dumating ang mag-asawang Ariel Rivera at Gelli de Belen, pati sina PBA legend Ramon Fernandez, Tony Tuviera, Veana Fores, Linggit Tan, JC Buendia, Paul Cabral, Tonight with Boy Abunda’s executives and staff and many more.
Puring-puri ng TWBA executive producer na si Rachel Castro si Kuya Boy dahil nag-taping pa ito ng dalawang episodes ng show nila despite ng pinagdaraanan nito.
Umalis nang past 7 pm si Kuya Boy sa Arlington para sa taping ng TWBA sa ABS-CBN. Bumalik siya nang 12 midnight para sa misa.
After the mass, dumating ang dating talent ni Kuya Boy na si Erik Santos at nakipagtsikahan sa kanila ni Sir Bong.
May nagsabi sa amin na baka dumating daw si Pres. Rodrigo Duterte ng madaling araw. Pero hindi nakarating si Pres. Duterte. But on his behalf, si Sen. Bong Go ang nagpadala ng kanyang pakikidalamhati kina Kuya Boy, Sir Bong at kapatid na si Congresswoman Fe Abunda.
Tinanong namin si Kuya Boy kung dumalaw na sa kanya si Kris Aquino. Sey niya, nagkausap na raw sila ni Kris.
From a source, nabanggit sa amin na bedridden daw si Tetay ngayon. In fact, may naka-schedule raw na check-up Kris sa Singapore last week pa. Pero pinagbawalan daw siya ng doktor na bumiyahe. Bukod d’yan, bawal din daw kay Kris ang magpunta sa mga lugar na maraming tao.
And speaking of Kris, nakatabi at nakausap namin ang producer ng lifestyle/travel show ng dating Queen of All Media na si Rhodora Pascual-Morales, or simply Tita Doray sa kanyang mga kaibigan sa showbiz
Nagpakatotoo si Tita Doray sa pagsabi amin na masama pa rin ang loob niya kay Kris, not only because sa P30 million na ginastos niya sa show, kundi ‘yung hurt na tinamo sa mga sinabing kasinungalingan ng dating Queen of All Media about her like, ‘di siya binayaran agad at ‘di naman daw totoo na mayaman siya. Plus, ang akusahan ang anak niya na ginagamit siya (Kris) para sa political career ng kanyang panganay.
But when we asked her, what if magkita sila ni Kris sa wake, magiging civil naman daw siya sa dating talk show host kapag binati siya.
Anyway, inilipad na patungong Samar ang labi ni Nanay Lesing nu’ng Miyerkules ng umaga. Iiikot ang labi ni Nanay Lesing sa iba’t ibang lugar sa kanyang bayan sa Borongan. Then, ibabalik din ng Manila sa Linggo ng gabi, ayon kay Kuya Boy.
Sey naman sa amin ni Sir Bong, hindi raw ilalagak sa columbarium ang ashes ni Nanay Lesing.
“Iuuwi muna namin siya sa bahay. Gusto pa namin siyang makasama ni Boy nang matagal,” lahad ni Sir Bong.
Muli, ang aming taus-pusong pakikiramay kina Kuya Boy, Sir Bong, at Congw. Fe pati na sa buong Romerica at Abunda family.





Comments