Ginang, nilikida ng gunman
- Pabs Hernandez III
- Dec 4, 2019
- 1 min read
SURIGAO DEL SUR — Patay ang isang ginang nang barilin ng hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Quirino, Madrid.
Nakilala ang biktimang nagtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan na si Analyn Dahunog, nakatira sa nabanggit na barangay. Batay sa imbestigasyon, kabababa lang ni Dahunog sa pampasaherong van nang lapitan ng suspek ang biktima at agad pinagbabaril.
Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek. Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang motibo ng suspek sa pagpatay sa biktima.





Comments