Kasabay ng pagsikat ng araw… Sexy actress, dalang-dala na, never nang babalikan ang bangungot sa mal

BLIND ITEM:
Labis na ikinatutuwa ng pamilya at mga kaibigan ng maganda at sexy actress ang pagkaka-grant ng annulment sa kasal nila ng kanyang mister na sobrang seloso, moody at irresponsible. Finally, nakawala na sa kanyang hawla ang sexy actress na matagal na nagtiis at nagpakamartir sa piling ng kanyang malupit na mister.
Kahit na may mga anak sila na dapat na kanyang buhayin at itaguyod, taas-noong kinaya ng sexy actress ang pagiging single mom. Muli niyang binalikan ang kanyang showbiz career. At dahil bata pa naman, maganda at flawless, nabigyan siya ng mga projects at ang maganda pang blessing na dumating sa buhay niya ay muli siyang nakatagpo ng lalaking nagmahal sa kanya at tanggap pa ng kanyang mga anak.
Tahimik na ngayon ang buhay ni sexy actress at hindi na nabubuhay sa takot at lungkot na naranasan niya sa kanyang unang mister. Kahit na sinasabi pa ng iba na maraming naipundar na properties at super rich ang kanyang ex-husband, walang plano ang sexy actress na balikan ang lalaking naging malaking bangungot sa kanyang buhay.





Comments