top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Horoscope | Disyem­bre 3, 2019 (Martes)

  • Maestro Honorio Ong
  • Dec 3, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 3, 2019 (Martes): Ipagpatuloy mo ang paggawa ng kabutihan sa kapwa kahit ang iba ay tinulungan mo na, pero ginawan ka pa ng hindi maganda dahil sa ganitong bagay ka pinagpapala.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Samantalahin mo ang mga araw na ito kung kailan mas madaragdagan pa ang iyong yaman. Nakapanghihinayang kapag hindi napasakamay mo ang puwede namang maging sa’yo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-10-20-23-27-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ang panahon kung saan ang langit ay naghuhulog ng mga biyaya. Para sa maaga, marami silang nakukuha pero para sa mga ayaw magsikilos, wala silang mapapalang anuman. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-17-21-26-33-36.

GEMINI (May 21-June 20) - Mabilis na umiikot ang gulong ng iyong kapalaran kaya mabilis din ang pagdating sa iyo ng mga suwerte, pero kung babagal-bagal ka, marami sa mga ito ay hindi mapupunta sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-16-20-28-31-41.

CANCER (June 21-July 22) - Kung ano lang ang kaya mo, ‘yun ang ibigay mo. Bakit mo pahihirapan ang sarili mo sa paglalaan ng regalo na sa huli ay ikaw naman ang kakapusin? Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-11-13-29-31-37.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kitang-kita mo ang mga nagsisikap, makikita mo na sila ay nagsisiunlad. Kung ano ang nakita mo kung paano sila mamuhay, ‘yun ang iyong tularan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-17-20-25-34-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Para sa pagkita ng pera ang araw na ito. Puwede namang magsaya ka pero sa pagsasaya, isipin mo kung paano ka kikita. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-10-16-18-21-23.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang umasa sa kapwa mo, mas maganda na sila ang umasa sa iyo. Tulad sa nakaraan, umasa ka pero wala ka namang napala. Huwag mo pa ring biguin ang umaasa sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-17-22-26-30-39.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakagugulat ang iyong kapalaran dahil nakikilala ka sa malayo kung saan ang nagbabalita sa mga kakaibang kakayahan mo ay ang mga nasa malapit sa iyo. Huwag kang magbabago. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-24-25-34-44.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Patuloy ang pagkakaloob sa iyo ng langit ng magagandang kapalaran na magagamit mo hindi lang sa iyong sarili kundi para na rin sa mga taong umaasa sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-12-25-27-38-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hayaan mo lang ang mga walang bilib sa iyo. Sa huli, mapapahiya sila at ang nakagugulat pa ay magsisilapit sila sa iyo para himingi ng tulong mo. Huwag mo silang tanggihan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-15-20-21-24-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Umaapaw ang mga grasya mo. Ibahagi mo ito sa iyong kapwa at huwag mong itago na tulad sa nakaraan kung saan nang makita mo ang mga itinago ay nanghinayang ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-17-22-27-30-31

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi pa tapos ang pagdating sa iyo ng magagandang oportunidad. Ito ay mangyayari hanggang sa maging matatag na ang buhay mo. Huwag mong kaligtaan na magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-18-20-21-28-35.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page