top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Kahit pumunta na sa bahay ng aktor… BF ni Karla, 'di pa rin pasado kay Daniel

  • Vinia Vivar
  • Dec 2, 2019
  • 1 min read

Photo: @karlaestrada1121 (left)

“Ayokong maging kontrabida but at the same time on the lookout lang ako. Kumbaga, I am just hovering,” ang pahayag ni Daniel Padilla nang mahingan ng komento sa Tonight with Boy Abunda tungkol sa kasa­lu­kuyang boyfriend ng inang si Karla Estrada na si Jam Ignacio.

Hindi naman daw sa tutol siya pero gus­to lang niyang protektahan ang kanyang ina na ilang beses na rin niyang nakitang nasaktan.

“Saka hindi naman ‘yan sa ayoko na sa ‘yo, pero sorry, ang dami ko nang narinig at ang dami ko nang na­kita. Lahat ng pinakamasasaya, lahat ng pinaka­ma­lulungkot, nakita ko na sa ermat ko eh,” sey ni Daniel.

Pero siyempre, bilang anak ay masaya siya para sa ina.

“Masaya lang ako kay Mama, masaya lang ako nga­yon kasi she’s very happy and I think she’s in love and that’s good,” he said.

Naa-appreciate rin daw niya na nagri-reach out naman si Jam sa kanya.

“Sa ngayon, nakikita ko naman na nagri-reach out (si Jam). Kasi last time, ‘yung birthday ni Mama, tulog na lahat, nandu’n kami sa bahay ko, dumaan siya ru’n, sumaglit siya at malaking bagay ‘yun bilang lalaki dahil siyempre, ipina­pakita mo ‘yung totoo. Pero I’m not saying na ayos na dahil ako ang number one security ng ermat ko,” sey ni Daniel.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page