Inilantad ang bagong BF na ipinalit sa tatay ng anak… Hirit ng netizen: Melissa, parang aso, kung si
- Beth Gelena
- Dec 2, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Hindi pinalampas ni Melissa Ricks ang komento ng netizen hinggil sa kanyang pagkatao. Inalisputa siya ng basher sa muling pagkakaroon ng bagong boyfriend.
Ibinahagi kasi ng former Kapamilya actress ang pangalawang lalaki na nagmahal sa kanya.
Ang akala ni Melissa ay magtatagal ang relasyon nila ng unang guy na minahal niya. Pero nagkaroon sila ng problema kaya sila nagkahiwalay.
Kamakailan ay ipinost ni Melissa ang picture nila ng panganay na anak kasama ang bagong guy sa kanyang buhay. Maganda ang mensahe niya para sa bagong boyfriend. Pinasalamatan ni Melissa ang bagong BF dahil minahal siya ng guy kahit may isa na siyang anak.
Nagkomento ang isang netizen na hindi raw magandang halimbawa sa kanyang anak ang ginagawa niya lalo raw at babae pa ang anak niya. May masasakit pang salita ang netizen sa dating aktres na kahit sinong babae ay hindi mate-take.
Imagine, sinabihan siya ng netizen na parang isang aso na kung sinu-sino lang ang puwedeng kalantariin. Kaya raw siya iniwan ng partner niya ay dahil hindi siya mapakali sa iisang lalaki.
In fairness, may mga nagtanggol sa dating aktres. Huwag daw siyang husgahan dahil hindi nila alam ang pinagdaanan ni Melissa.
Maging si Melissa ay sinagot ang netizen ng be good na lang at sana ay hindi mangyari rito ang bad karma.





Comments