top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

First gold ang Arnis B’ball women, panalo

  • Arce / VA
  • Dec 2, 2019
  • 1 min read

Photo: Abs-cbn News

Inihampas ni Dexter Bolambao ang kauna-unahan gold medal ng Philippine National Arnis sa under 55 kgs bantamweight category ng talunin ang Cambodian opponent sa Angeles University Foundation sa Pampanga.

Naging masigasig ang 23-anyos na tubong Leyte para talunin si Soe Paing ng Myanmar habang nagpunta naman ang Bronze medal kina Ngoc Dat Nguyen ng Vietnam at Nget Deb ng Cambodia.

“Sobrang saya ko po, wala na pong paglagyan yung kaligayahang nararamdaman ko po,” pahayag ni Bolambao.

Samantala, sa kanilang ikatlong laban, nalusutan ng Gilas women’s ang Indonesia, 16-13 upang mawalis ang unang tatlo nilang laro at makasiguro ng upuan sa semifinals.

Sunod nilang makakalaban ngayong umaga ang Vietnam at pinakahuli ang Thailand bago sumalang sa semis sa hapon.

Naipanalo din ng Gilas men’s squad ang ikatlo nilang laro makaraang igupo ang dating co-leader Vietnam, 21-15. Pinangunahan nina Perez at Perkins ang panalo sa itinala nilang tig-8 puntos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page