top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

28 yrs. ng Bulgar, no. 1 ang katumbas kaya matatag pa rin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 2, 2019
  • 2 min read

Happy 28th Anniversary po sa ating lahat!

Wow na wow dahil 28 years na pala ang ating diyaryong BULGAR.

Dumarating at lumilipas ang panahon, pero ang BULGAR ay nananatiling numero-unong diyaryo sa ating bansa. Dumarating at lumilisan din ang mga newspaper kung saan ang iba ay nawala na at ang iba ay magsasara na. Dumarating at lumilisan din ang mga bagong online newspaper, pero parang mga ningas-kugon na sa una lang masigla, tapos ay namatay na.

Ngayong ika-28 taon, what the future holds for our dearest newspaper? Para masagot natin kung ano ang kahulugan ng ika-28 taon ng BULGAR, tanungin natin ang kinikilalang Father of Numerology na si Pythagoras. Sabi niya, ang lahat ng bagay ay may numero kung saan ang bawat numero ay may kahulugan at ang kahulugan ng bawat numero ay may itinatagong puwersa.

Ayon sa Pythagorean Numerology, ang numerong 28 ay katumbas ng numerong 1 o uno. Dagdag pa niya, kapag ang isang bagay, tao, samahan o negosyo ay umabot sa edad na 28, ito ay ikokonsiderang lider, tagapamuno at mangunguna sa kanyang larangan. Noon pa man, ang BULGAR ay nangunguna na kung saan ito ang numero-unong diyaryo sa buong Pilipinas at ngayong ika-28 taon ng aming pahayagan, ito pa rin ang number one, ayon sa Pythagorean Numerology.

Ang mga nakaraang taon ay batbat ng mabibigat na hamon at pagsubok sa larangan ng pahayagan. Marami ang hindi naka-survive, pero ang BULGAR, tulad ng nasabi na ay nananatili at ngayong ika-28 taon, makikita na ang BULGAR ay nagiging mas matatag.

Ito ay dahil ayon pa rin kay Pythagoras, bukod sa ang 28 ay numero-uno ang katumbas, may espesyal na kahulugan pa ito na power, independence, self-sufficient, original at may taglay na self-determination at originality. Nakaka-wow talaga ang BULGAR, it seems there is a magic behind our beloved newspaper.

Be that as it may. Muli, Happy 28th Anniversary sa ating lahat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page