top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Responsibilidad. Depresyon. Pamilya.

  • Ronalyn Seminiano
  • Dec 2, 2019
  • 3 min read

Taong 2016 nang i-appoint ni Pangulong Rodrigo R. Duterte si Mrs. Liza Diño-Seguerra bilang Film Development Council of the Phils. chairperson.

Sa loob ng 3 taon, hindi naging madali para kay Liza ang hawakan ang napakalaking responsibilidad kung paano matutulungang maibangon ang industriya ng telebisyon at pelikula.

Sa kabila ng kanyang kasipagan, hindi pa rin nawawala ang mga bashers at pumupuna sa kanyang dedikasyon sa trabaho, lalo na’t apektado pa ito ng pambabatikos sa ‘same-sex relationship’ nila ni Aiza “Ice” Seguerra.

Bukod pa riyan ang isyu ng pera kung saan kinukuwestiyon ng ilan ang malaking budget ng FDCP na hinahawakan ni Chair Liza sa kabila ng pagiging sobrang aktibo naman ng ahensiya at pakikipagtulungan sa iba’t ibang organisasyon sa showbiz.

Paano nga ba nasukat ang katatagan sa buhay ni FDCP Chairperson Liza Diño?

“Oh, my God!” nagulat na bungad nito. “Uh, siguro, ‘yung sa pang-araw-araw na kinakaharap ng industriya and me, being given that responsibility na talagang sumuporta, gumawa ng paraan para makatulong at masolusyunan ‘yung mga kinakaharap natin. Doon ko talaga nakita ‘yung strength ko.

“Kasi, hindi lang sarili ko ngayon ang iniisip ko, eh, ibang tao na. Talagang napakalaki nu’ng industry natin, iba-iba ng sektor. So, it’s really challenging to have that kind of strength, and be that responsible.”

Totoo nga naman dahil sa sobrang dedikasyon at oras na ibinibigay ni Chair Liza sa kanyang trabaho sa FDCP, kahit ang personal niyang buhay at ang pamilya nila ni Ice ay hindi maiwasang maisakripisyo.

Sa dami ng pinagdaanan nila ni Ice, kung saan grabeng batikos din ang inabot nila sa social media dahil hindi matanggap ng marami ang kanilang ‘same-sex relationship’, paano nila hinarap at binangga ang mga hamon sa buhay?

“Uhmmm, ano lang talaga, communication. Kasi, lalo na ngayon, ‘di ba, wala na kaming oras sa isa’t isa. Siyempre, parang kapag gumagawa ka pala ng isang bagay na bigger than you, parang excuse lahat. Na parang kahit wala kang oras… na kailangang maintindihan, alam mo ‘yun?

“So, alam ko, nakakaapekto sa family ko. But Ice has always been there for me. Sobrang grabe ang support niya. Siguro, naloka na ako kung wala talaga siya sa tabi ko. So, he is my strength. Siya ‘yung katatagan ko.”

Gayunman, kahit inamin ni Liza na sa ‘mister’ na si Ice siya humuhugot ng katatagan, kinumpirma ng FDCP chairperson na kahit ang mismong singer-performer ay dumaranas din ng depresyon.

Paano nga ba hinarap ng ‘mag-asawa’ ang mabigat na pinagdaraanan ngayon ni Ice?

“‘Yun nga, for a person who doesn’t have an idea what depression is, actually, ako talaga, hindi ko alam nu’ng una kung paano… Jusko! I was saying the wrong things. Alam mo ‘yung parang ‘Oo, dapat hindi ka nalungkot. Ako ba ang problema?’ ‘Yung akala mo, parang it’s about you, pero hindi. It’s their… it’s a condition. “

Kaya naman daw bilang partner ni Ice, buong suporta at pang-unawa na lang ang ibinibigay niya rito kahit gaano pa siya kaabala sa kanyang trabaho sa FDCP.

“It’s really more of try to understand him. Talagang when you say communication, hindi lang siya parang pag-uusapan ninyo lang, you know, on the surface, hindi. You have to take time to understand and put yourself on that person’s position.”

Sa ngayon, bagama’t una nang nasabi ng ‘mag-asawa’ ang plano nilang pagkakaroon ng sariling anak, pansamantala muna itong naipagpaliban dahil nga sa kaabalahan ni Chair Liza, bukod pa sa pinagdaraanan ngayon ni Ice na ayon kay Liza ay nag-a-undergo naman sa therapy.

Marami pang pagsubok na kakaharapin ang relasyon nina Liza at Ice pero positibo ang FDCP chairwoman na kung kayang-kaya niyang harapin at solusyunan ang mga problema sa ahensiyang kanyang hawak dahil sa matatag niyang disposisyon, malalampasan din nila ng kanyang better-half ang anumang pagsubok na darating pa sa kanilang personal na buhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page