top of page
Korina Sanchez-Roxas - IG.jpg

Para sa mga mahilig sa unique at second hand items, read n'yo 'to! Tips para maraming mabili

  • Jersey Sanchez
  • Dec 1, 2019
  • 2 min read

Shopping season na, ka-Bulgar! For sure, marami nang nagpapabalik-balik sa mga pamilihan para makarami ng bibilhing gamit at mga panregalo, gayundin upang masulit ang kaliwa’t kanang mga sale. Gayunman, siguradong may mga beshy tayo r’yan na hindi lang basta sale ang gustong masulit kundi pati ang mga unique at mas murang items mula sa mga ukay-ukay. Who doesn’t love ukay-ukay, ‘di ba? Kaya mga beshies, narito ang ilang tips para sa mga nagbabalak mag-shopping sa ukay-ukay:

1. MAGPABARYA NA NG PERA. Kung buong P1,000 o P500 ang pera mo, magpabarya ka na bago umalis ng bahay o magbaon ng tig-P100 o P20 para madali kang makapagbayad. Hassle kasi kapag wala silang barya, tapos ikaw pa ang paghahanapin nila ng barya dahil baka ang ending, pagbalik mo ay nakuha na ng iba ang mga napili mo. Hay, naku!

2. MAGSUOT NANG KOMPORTABLE. Kung mag-uukay-ukay ka, dapat handa ka nang makipagsiksikan at mapawisan. At dahil dito, magsuot ka ng komportableng damit na madaling patungan kung magsusukat ka kapag mahaba ang pila sa fitting room. Kung mamimili ka naman ng second-hand shoes, magbaon ng medyas para perfect ang pagsusukat mo. Huwag mo ring kalimutan na magsuot ng facemask, magdala ng alcohol at tissue para makapaglinis kayo ng mga kamay kahit marami na kayong nahawakang items.

3. MAGDALA NG INUMIN. For sure, nakakapagod ang araw na ito, lalo na kung mainit kaya para iwas-uhaw at dehydration, magbaon ng tubig para hindi mo na kailangang maghanap pa ng mabibilhan ng inumin. Gayundin, bago umalis ng bahay ay siguraduhing nakapag-agahan kayo para walang energy gap sa pagsa-shopping. He-he-he!

4. MAGBAON NG PASENSIYA. Nakakapagod talagang maghalukay kaya kapag sasabak dito, kailangan n’yong magbaon ng sandamakmak na pasensiya. Siguraduhing madaraanan ninyo ang bawat rack para makapamili at bagama’t time consuming ito, tandaan na kapag may tiyaga ay may nilaga. At kapag nakahanap na, make sure na masusukat mo ito para maging sulit ang pinamili mo. Okie?

5. COLLECT AND SELECT. Kapag may nagustuhan kang item, kunin mo agad kahit hindi mo pa nasusukat dahil kapag iniwanan mo lang ito at binalikan, baka makuha ito ng kapwa mo ukay-ukay shopper. Kapag nakarami ka na, make sure na masusukat mo ang lahat ng ito saka mamili ng mga ile-let go mong items.

Oh, alam n’yo na, mga besh! Huwag kalimutan ang mga tips na ito sa inyong ukay-ukay shopping dahil sabi nga nila, hindi kailangang mamahalin ang susuotin dahil depende ito sa nagdadala. Pak, ganern! Enjoy sa pagsa-shopping, mga ka-Bulgar!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page