Magdyowa, package deal… Ion, bitbit ni Vice sa mga shows magkaraket lang

Photo: @praybeytbenjamin
Kung marami ang natutuwa na nakatagpo si Vice Ganda ng “true love” sa katauhan ng Kuya Escort na si Ion Perez, marami naman ang nagsasabi na sana nga, forever na ang kahinatnan ng kanilang relasyon at walang mangyaring anuman kay Ion.
At this point of his life, hindi kakayanin ni Vice ang mawala sa buhay niya ang lalaking minahal niya nang todo-todo. Bibihira ang lalaking tulad ni Ion na aaminin sa lahat ang relasyon sa isang gay na tulad ni Vice. Hindi niya ikinahiya na nakipagrelasyon siya sa isang becki!
Kaya naman sinuklian din ni Vice Ganda ang ginawa sa kanya ni Kuya Escort. Bukod sa mga materyal na bagay, madalas ay kasama niya si Ion sa kanyang mga biyahe abroad. At kapag may mga raket at shows si Vice, kasama rin si Ion upang kumita rin naman ito.
Kaya kinaiinggitan ngayon si Ion ng mga dating modelo na kasamahan niya noon. Buhay-hari na raw si Ion sa piling ni Vice Ganda. Daig pa raw ni Kuya Escort ang nakasandal sa matibay na pader.
At least, wala namang image si Ion na “user” at oportunista.





Comments