top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Horoscope | Disyem­bre 1, 2019 (Linggo)

Maestro Honorio Ong
Dec 1, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Disyem­bre 1, 2019 (Linggo): Hindi ka puwede sa mabababang puwesto dahil ikaw ay ipinanganak para mamuno at para sa paghawak ng mga tao. Ito ang ibig sabihin ng araw ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Totoong may ipagyayabang ka dahil marami nang hamon sa kapalaran mo ang iyong nalagpasan. Gayunman, ang pagpapa­kumbaba ang tunay na susi sa katuparan ng iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-24-29-33-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Aksiyon ang kailangan mo ngayon, hindi drama at pagiging maarte. Kapag kumilos ka nang kumilos, tiyak na ang mga kagus­tuhan mo sa buhay ay isa-isang mapasasakamay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-18-24-28-36-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Nakaka­tuwa ang kapa­laran mo nga­yon dahil ikaw ang susun­din ng nakatataas sa iyo. Ang mga nasa ibaba mo naman at iyong kapantay ay walang magagawa kun­di mainggit. Masuwer­teng kulay-blue. Tips sa lotto-4-15-28-31-34-44.

CANCER (June 21-July 22) - Makipag­sa­bayan ka at tatalunin mo ang sasabay sa iyo. At sa huli, iiwanan mo sila nang milya-milya at malabong abutan ka pa nila. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masu­wer­teng kulay-black. Tips sa lotto-1-17-26-32-36-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Lu­ma­yo ka sa mga isip-talangka. Ibabagsak ka nila kahit sila ay masaktan at bumagsak din. Huwag mong pairalin ang iyong damdamin kahit sila ay malalapit sa iyo at sa iyong mga kaibigan. Masu­werteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-17-20-37-40-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Humingi ka ng payo sa mga ki­­lala mong nag­ta­tagumpay sa buhay. Ang pakikinig sa kanila ay malaking bagay para sa iyo upang matulad ka rin sa kanila na mauun­lad na ang buhay. Masu­wer­teng ku­lay-peach. Tips sa lotto-6-11-12-24-30-34.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Nagsanib-pu­wersa ang bun­tala ng kagandahan at kasa­ganahan. Nakahan­dang alalayan ka hanggang sa matupad mo ang napa­ka­ra­ming mga kagustu­han mo sa iyong buhay. Masuwer­teng kulay-red. Tips sa lotto-1-19-22-24-38-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kunin mo ang para sa iyo na pansamantalang na­pun­ta sa iba. Sa iyo pa rin ang talagang para sa iyo. Muli, kunin mo ang para sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­wer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-11-17-20-25-31-33.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Angat na angat ka nga­yon at sa mga araw pang dara­ting. Walang magaga­wa ang mga kontrabida sa buhay mo kundi tingalain ka at lihim na hangaan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-18-21-25-27-30.

CAPRI­CORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit wala kang gawin ngayon, ang buhay mo ay aasen­so. Ito ang premyo mo sa mga nagdaang kabutihang ipinakita mo sa iyong kapwa. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-13-15-20-21-29-31.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mara­mi ang nai­inggit sa iyo dahil sa big­lang tingin ay ma­sarap ang buhay mo. Ang hindi nila alam, marami kang kalung­kutan dahil ang ligaya ay wala sa materyal na bagay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-16-20-26-33-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Malaking papel ang gagampanan mo nga­yon sa pag­papaunlad ng negos­yong malapit sa puso mo. Ikaw ang susi at pintuan na mag­bubukas at daraanan ng mga suwerte. Masu­werteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-12-14-30-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page