top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

'Di makapayag na unahan pa sila ni Kathryn ng madir… Sigaw ni Daniel: Kasalang Karla at Jam, Mas

Julie Bonifacio
Dec 1, 2019
1 min read

Photo: @supremo_dp (left) / @karlaestrada1121 (right)

Pinag-uusapan sa showbiz at social media ang paglabas sa Kapamilya daily morning show na Magandang Buhay last week ng bagong boyfriend ni Karla Estrada na si Jam Ignacio.

Iba-iba ang naging reaksiyon ng mga netizens at publiko sa pagtutok sa MB kung saan sa kauna-unahang pagkaka­taon ay may ipinakilalang lalaki sa buhay niya si Momshie Karla.

Kaugnay nito at sa hindi inaasahang pagkakataon, we bumped into Karla’s son na si Teen King Daniel Padilla sa Cornerstone Entertainment Office and then, he granted us an exclusive interview.

Katatapos lang mag-recording ni Daniel sa studio ng Cornerstone at pag­labas niya ay bumati agad siya sa amin habang nagmemeryenda kami bago magsimula ang media launch ng 2019 Miss Silka Philippines 2019 beauty pageant.

Tinanong namin si Daniel na baka maunahan pa sila ni Kathryn ng kanyang Momshie Karla at Jam na magpakasal.

“Uh, masyado pang maaga para isipin ‘yun. Masyado pang bago ang pag-ibig,” diretsong tugon ni Daniel.

Sundot na tanong namin kay Daniel, just in case na yayain na ni Jam si Karla na magpakasal, papayagan ba niya?

“Well, mararamdaman naman namin ‘yun ng mga kapatid ko, kung tama bang ‘yun ang maging desisyon, ‘di ba? Pero ngayon, nagtatantiyahan pa tayo,” honest na sagot niya.

Biniro namin si Daniel na base sa sagot niya, tila parang ayaw pa niyang mag-asawa ang kanyang Momshie Karla.

“Hindi naman sa ayaw pero tayo, eh, nananantiya lang,” seryosong sabi niya.

May point naman si Daniel, ‘di ba?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page