top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

Bagyo, tsunami at bulalakaw, babala sa mga puwedeng mangyari sa mundo

  • Socrates Magnus
  • Dec 1, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Renalyn ng Renalyn_ Fernandez@facebook.com

Dear Professor, Worried ako sa panaginip ko. Pagkatapos kong magdasal noong November 11, 2019, nanaginip ako na may malakas na bagyo at tsunami, saka may tatamang bulalakaw sa mundong ibabaw. Ano ang ibig sabihin nito? Salamat!

Naghihintay, Renalyn

Sa iyo Renalyn, May mga taong nabibiyayaan ng apocalyptic dreams. Sila ‘yung mga nananaginip ng mangyayari pa lang at ang kanilang mga panaginip ay may kaugnayan sa magaganap sa mundo at sangkatauhan.

Sa biglang tingin, ikaw ay parang napapabilang sa kanila. Gayunman, ang pagkakaroon ng bagyo ay regular na nangyayari, lalo na sa ating bansa at buong mundo. Ang tsunami naman ay ganundin, hindi man kadalasan ay hindi nakapagtataka kung mangyayari ito.

Ang mga bulalakaw ay araw-araw na makikitang nahuhulog sa lupa. Marami sa kanila ay natutunaw bago sumayad sa mismong lupa, pero minsan ay hindi maiwasan na may maliliit na piraso na aktuwal na nahuhulog sa lupa.

Dahil maliliit ang mga ito, hindi na sila nasasagap ng mga instrumento na nagbabatay sa mga bulalakaw na tatama sa lupa. Madalas, ang mga bahagi ng bulalakaw ay nahuhulog sa karagatan dahil ang dagat ay mas malawak kaysa sa kalupaan.

Minsan, nahuhulog din ito sa kalupaan at parang bato sa tingin, pero sobrang tigas at may makikitang sunog na bahagi. At alam mo, iha, ang sinumang makapulot ng kahit isang maliit na piraso ng bulalakaw ay puwedeng yumaman dahil milyong piso ang halaga nito.

Muli, maaaring isa ka sa iilang tao na nabibiyayaan ng kakayahang makapanaginip ng mangyayari pa lang sa mundo. Gayunman, sa kuwento ng iyong panaginip ay walang nabanggit na kung kailan o walang ipinahiwatig na mga palatandaan kung paano at kailan ito magaganap.

Ang mga taong ginagamit ng langit na nanaginip ng magaganap sa mundo ay may kalakip na responsibilidad na magbigay ng babala upang makapaghanda ang mga tao.

Dahil dito, sa kakapusan ng impormasyon sa iyong mga panaginip, hindi muna natin direktang sasabihin na ang panaginip mo ay balita mula sa langit.

Huwag kang masiraan ng loob o mag-isip ng negatibo na ikaw ay hindi ginagamit ng langit para magbigay ng mahahalagang mensahe sa mga tao, kumbaga, hihintayin pa natin ang mga darating mong panaginip na maaaring mas malinaw kung kailan at ano ang mga pangyayari bago ang malakas na bagyo at tsunami at ang pagbagsak sa mundo ng mapaminsalang bulalakaw.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page