top of page

Sa pagsusuplay ng kuryente.. China, hawak sa leeg ang ‘Pinas

  • Mylene Alfonso
  • Nov 30, 2019
  • 1 min read

Minaliit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang napaulat na hawak ng China sa leeg ang Pilipinas pagdating sa pagsusuplay ng kuryente.

Ito ay makaraang mapaulat na may kakayahan umano ang China na kontrolin ang power supply ng bansa dahil ang majority shares ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay pagmamay-ari ng mga Chinese businessman.

Ayon kay Pangulong Duterte, hindi umano siya naniniwala dito lalo pa at pinalutang lamang ito ni dating Associate Justice Antonio Carpio na kilalang kritiko ng administrasyon.

“Hindi ako maniwala d’yan kay Carpio. Wala mang matino ‘yang sinabi na. Ano ang sinabi nakatulong na sa Pilipinas? ‘Yung ano nila? Mga decision nila? Susmaryosep. Wala ako d’yan kay Carpio,” ani P-Duterte.

Binuweltahan din ng pangulo si Carpio dahil masyado na umanong nahuhumaling sa China.

Binabandera umano ni Carpio na ito ay maka-Pilipino kahit mas mukha itong Intsik at halos kahawig na ni Mao Tse-Tung.

Giit pa ng Punong Ehekutibo na kung may mga security issue man dito ay kayang-kaya itong i-handle ng mga militar.

“May mga security issues that can be handled by the military. Cannot? be a problem. Ako, ‘yung tower? Pasabugin ko lang ‘yun. Putulin ko ‘yung kable, tapos na,” saad ng pangulo.

Aniya, kahit maraming Pilipino ang hindi nagtitiwala sa China at patuloy niyang pinanghahawakan ang pangakong binibitawan nito sa kanya.

“I do not have that capability. I cannot fight China because I do not have the armaments. And China has talked to us, through me. Kulang pa ang Pilipino ng trust. But I trust them. I take their word for it,” dagdag pa ng pangulo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page