Para-paraan lang ‘yan, besh... Tips para hindi tumaba kahit maraming pupuntahang parties ngayong pas

Natural sa ating mga Pinoy ang pagkahilig sa mga handaan tulad ng party, gatherings, reunions at iba pa. ‘Yung tipong lamon dito, lafang doon ang labanan at hindi na napapansin na sumosobra na ang kanilang kinokonsumo kaya ang ending, pare-pareho na naman ng New Year’s Resolution — “Magda-diet na talaga ako, pramis!”
Ayon sa research, tuwing kalagitnaan ng November hanggang mid-January, 1 pound o 0.5 kg. pataas ang maaaring dumagdag sa timbang ng isang adult.
Good news, dahil hindi na ‘yan problema, sagot namin ang tips para maiwasan ang ‘ika nga, ‘holiday weight gain’. Narito ang ilan sa mga dapat gawin:
1. MAGSUOT NG ‘SOMETHING TIGHT’ NA OUTFIT. Oks ang pagsusuot ng ‘hapit’ o figure-hugging dress dahil madali tayong mako-conscious sa ating katawan. Madali nating mapupuna kung bloated o medyo lumolobo na tayo nang sa gayun ay maiwasan natin ang pag-o-overeating.
2. MAGBAON NG HEALTHY NA PAGKAIN. Sa mga potluck party, siguradong pasta o carb-loaded dishes ang mabentang ihanda. Kaya naman, chance mo na ito para magdala ng salad veggies o anumang fiber-rich snacks.
For sure, may ilang iisipin na ang weird mo, pero may ilan din, partikular ‘yung mga calorie-conscious na bisita ang magpapasalamat sa‘yo.
3. UMINOM NG MARAMING TUBIG. Aminin nating kapag nakahain na ang mga ‘biyaya’ sa ating harapan, eh, napakahirap na nitong tanggihan.
Well, kapag feeling mo ay napaparami na ang kurot mo sa lechon o lantak sa crispy pata, it’s time para uminom nang marami, pero hindi ng alak o flavored juice o drinks kundi maraming tubig. Bawat balik mo, make sure na hindi lang plato ang nire-refill mo kundi pati ang iyong baso.
4. KUMAIN NG ‘FIBROUS MEAL’ BAGO ANG PARTY. Ang technique ng iba, hindi sila kumakain o nagpapaka-‘tomguts’ bago pumunta sa handaan, pero it’s a big no! Pahihinain nito ang iyong metabolismo at magdudulot ito ng pag-o-overeating.
Kung lunch o afternoon (meryenda) ang schedule ng party, puwedeng kumain ng light snack na mayaman sa fiber bago ito magsimula. Kung dinner party naman, make sure na kumain ka ng almusal o meryenda.
5. GUMAMIT NG MALIIT NA PLATO. Imbes na bandehado, mas maliit na plato ang gamitin mo. Don’t worry dahil puwede mo pa ring makain ang lahat ng handa, ‘yun nga lang, tikim-gaming lang. Kumbaga, small portion lang ang makukuha mo, pero oks lang dahil lahat ay matitikman mo. Pero siyempre, i-monitor mo rin ang pagbalik mo dahil baka makailan ka at wa’ rin ‘wenta ang paggamit mo ng ‘smaller plate’.
Siguradong excited ang marami sa atin ngayong Holiday Season dahil paniguradong babaha ng mga pagkain. Walang masama na i-enjoy ang mga ito, pero tandaan na hinay-hinay o tamang disiplina rin ang dapat pairalin para sa huli, walang pagsisisi. Gets mo?





Comments