top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Papasa na sa board exam sa 2020 at makakatuluyan ang BF sa 2022

Maestro Honorio Ong
Nov 30, 2019
2 min read

Maestro Honorio Ong

Katanungan

  1. Nagtyu-tutor ako ngayon at tatlong elementary pupils ang tinuturuan ko. Okey naman ang natatanggap kong suweldo at kahit papaano ay nakararaos naman ako dahil dalaga pa ako, gayundin, bunso ako at kahit hindi ako magbigay sa mga magulang ko ay okey lang po sa kanila. Lima kaming magkakapatid at stable na kaming lahat at may pamilya na ang mga kapatid ko at ako na lang ang walang asawa.

  2. May dalawang bagay ako na gustong malaman kaya naisipan kong sumangguni sa inyo. Una, nag-take ako ng LET, pero hindi ako pumasa. Sa 2020 ay balak ko uling mag-take. Sa inyong nakikita sa aking mga palad, makapapasa at makapagtuturo na kaya ako sa public school?

  3. Sa love life naman, may boyfriend ako na isinilang noong February 18, 1990 at October 14, 1992 naman ang birthday ko. Kami na ba ang magkakatuluyan at compatible ba kami?

Kasagutan

  1. Kapansin-pansing may “guhit ng hadlang” sa Effort Line (Drawing A. at B. E-E arrow a.), ngunit nananatiling matatag ang nasabing Effort Line na tinatawag ding Line of Jupiter hanggang sa tuluyang nakasampa sa direksiyong kanyang tinatahak sa Bundok ng Jupiter (arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Ibig sabihin, basta manatili kang matatag at palaging magpapatuloy sa iyong pangarap at ginagawa, kahit bumagsak ka noong unang beses na kumuha ka ng Board exam, sa ikalawang pagtatangka ay tiyak ang magaganap, maluwalhati ka nang makapapasa.

  3. Ang pag-aanalisang suwabeng-suwabe mo nang maipapasa ang nasabing pagsusulit sa pangalawang pagtatangka ay madaling kinumpirma ng iyong lagda na matapos gumuhit nang mabilis ay tila eroplanong sumibat paitaas ang dulong bahagi. Ito ay malinaw na tanda na positibo ang disposisyon mo sa buhay, hindi ka nasisiraan ng loob at sa malapit na hinaharap, ang iyong positibong pananaw ang siya ring aktuwal na iiral at mangyayari sa iyong buhay.

  4. Ang lahat ng iyong mga pangarap ay matutupad, makapapasa ka sa Board exam at pagkatapos ng isa hanggang dalawang taon, tuluy-tuloy ka na ring makapapasok bilang guro sa pampublikong paaralan na malapit lang din sa sarili mong bayan na madali namang kinumpirma ng Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow c.) na tuwid na tuwid, walang bilog at hindi naputol. Ibig sabihin, habang nagkakaedad ka, tuluy-tuloy ang paglago at pag-asenso ng iyong career o propesyon bilang satisfied na guro.

Mga Dapat Gawin

  1. Hinggil naman sa kasalukuyan mong boyfriend, tunay ngang compatible kayo sa Astro-Numerology na pag-aanalisa dahil ang zodiac sign mong Libra ay saktong tugma sa zodiac sign na Aquarius ng iyong boyfriend dahil ang Libra at Aquarius ay kapwa pinaghaharian ng elementong air o hangin. Sa Numerology naman, ang birth date na 9 ng boyfriend mo at 5 ka naman ay compatible sa isa’t isa at tinatayang makabubuo ng maligaya at panghabambuhay na pagsasama na madaling kinumpirma ng kaisa-isang tuwid, malinaw at mahabang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Ibig sabihin, Ms. Libra, ayon sa iyong mga datos, sa 2020, sigurado na ang magaganap, isa-isang matutupad ang pangarap mo sa buhay— makapapasa ka na sa Board exam, magiging ganap na guro, makapagtuturo sa pampublikong paaralan, habang sa love life naman, ang kasalukuyan mo nang boyfriend ang iyong makakatuluyan at makakasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya na tinatayang mangyayari sa 2022 sa edad mong 27 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page