After ni Gerald, 2 agad ang pumasok… Bea, nagsalita na tungkol kina Jake at Dominic

Sa blogcon ng Unbreakable, binigyang-linaw ni Bea Alonzo na kaibigan at nabibigyang-kulay lang ng ibang tao ang pakikipagkaibigan niya kina Jake Ejercito at Dominic Roque.
Naintriga kasi ang pagdalo ni Jake sa nakaraang birthday celebration ni Bea, samantalang naging viral at pinag-usapan naman ang larawang lumabas kung saan magkasama sina Bea at Dominic sa Japan.
Pagkaklaro ni Bea, isang beses pa lang silang nagkita ni Jake nang dumalo nga ito sa birthday niya at naawa nga siya rito dahil laging nali-link sa kanya.
Paliwanag naman ng Kapamilya actress sa relasyon nila ni Dom, 2016 pa lang ay magkaibigan na sila ng aktor at lumalabas sila bilang grupo kasama si Paulo Avelino. Ang nakikita namang rason ng aktres kung bakit nali-link sa kanya ang dalawa ay dahil pare-pareho silang single.
Dagdag pa ni Bea, ‘di pa siya handang makipag-date sa ngayon.
Kapwa mang bigo sa pag-ibig sina Bea at Angelica, humahataw naman sa takilya ang Unbreakable na balitang kumita ng mahigit P9 milyon sa first day nito sa takilya at patuloy itong pinipilahan ng mga manonood.





Comments