top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pasabog ni Sen. Ping na mala-pork barrel ang gatos SEA Games, peke!

Ka Ambo
Nov 29, 2019
2 min read

Ayaw tantanan ng “fake news” ang idinaraos na 30th SEA Games.

Ang masaklap, kritiko ng gobyerno ang sumasakay dito!

◘◘◘

LATEST fake news ay ang pagkumpara sa expenses ng SEA Games sa pork barrel scam ni Janet Lim-Napoles.

Paano nangyari ‘yun, eh, bukas na aklat ang pagbuo ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) na isang private foundation?

May precedent na puwedeng mangasiwa ang pribadong grupo sa pribadong aktibidad tulad ng SEA Games na nasa ilalim ng Olympic body!

◘◘◘

PARA sa kaalaman ng lahat, ang SEA Games ay nasa ilalim ito ng Olympic body — na isa ring pribadong organisasyon sa pandaigdigang isports.

‘Ghost projects’ ang kaso ni Napoles, nasaan ang ‘ghost projects’ sa SEA Games?

Malinaw na napeke si Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa kanyang “bomba”!

◘◘◘

ANG sinasabi ni Sen. Lacson na P1.5 bilyon na nailagak daw sa PHISGOC ay naipakita ni PHISGOC Chairman Alan Peter Cayetano, sa mga senador ang breakdown ng pinaggamitan nito.

Si Sen. Lacson na rin mismo ang nagsabi na si Cayetano ay kumonsulta sa Commission on Audit (COA) sa bawat hakbang ng PHISGOC sa paggamit ng pondo para sa SEA Games!

◘◘◘

DAPAT ding maalala ni Sen. Lacson na ang 2019 National Budget ay noong Abril lang napirmahan ni P-Digong dahil na rin sa hindi pagkakasundo ng mga opisyal ng Senado at Kamara sa ilang mga probisyon sa budget.

Noong Mayo na nakapagpalabas ng mga pondo para sa gastusin ng pamahalaan ngayong taon, kasama ang budget para sa SEA Games!

◘◘◘

KULANG pa sa anim na buwan ang paghahanda para sa mga pasilidad at iba pang mga requirements sa SEA Games na kinailangang gastusan dahil sa pagkaantala sa pagpasa ng 2019 National Budget.

Paano kikilos ang Philippine Sports Commission (PSC) o ang Procurement Service ng Department of Budget and Management (DBM) para mabili o mabayaran lahat ng gastusin para sa SEA Games sa ganito kaikling panahon?

◘◘◘

KAYA kahit si Cayetano na mismo ang nagrekomenda kay P-Digong na DBM ang humawak ng pondo para sa SEA Games, ang PHISGOC na ang kumilos para mapabilis ang paghahanda sa SEA Games at matiyak na matutuloy ito.

Sa totoo lang, walang dapat ikabahala si Sen. Lacson dahil handa namang magpaimbestiga at magpa-audit ang PHISGOC!

◘◘◘

BUKAS din ang PHISGOC sa suggestion ni Cong. Joey Salceda na ang Senado ang mag-imbestiga para walang mangyayaring whitewash.

Tiniyak ng PHISGOC na makikipag-cooperate sila basta tigilan na ang pagpapakalat ng fake news at magpokus na lang muna tayo sa aktuwal na laro sa biennial meet!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page