P-DU30, galit na galit sa mga kapalpakan at korupsiyon sa SEA Games; Cayetano, lagot!
- Pabs Hernandez III
- Nov 29, 2019
- 2 min read
ANOMALYA SA SEA GAMES, ALA-PORK BARREL SCAM NI NAPOLES? — Ikinumpara ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa pork barrel scam ni Janet Lim-Napoles ang pondong inilaan ng gobyerno sa SEA Games.
Sa pork barrel scam, ang pera ng bayan na nasa tanggapan ng mga tiwaling senador at kongresista noon ay napunta sa mga foundation ni Napoles at ngayon, ang pera rin ng bayan na inilaan sa SEA Games ay sa PHISGOC ng kampo ni Speaker Alan Peter Cayetano naman daw napunta.
Sa isyung ‘yan, dapat pa bang i-memorize kung bakit tadtad ng korupsiyon ang SEA Games? Buwisit!
◘◘◘
MAPAGKAKAMALAN TALAGANG KIKIAM ANG CHICKEN SAUSAGE —Ayon kay SEA Games Food Chef Bruce Lim, kaya napagkamalang kikiam ang iniluto nilang chicken sausage ay dahil ginawa raw nilang pormang kikiam ang luto nito.
Kung ganu’n, hindi pala dapat ituring na ‘fake news’ ang sinabi ni Coach Let Dimson na kikiam ang ipinakain sa kanila kasi pormang kikiam ang ginawang luto ng chef sa chicken sausage at ang masaklap, baka naglasang kikiam pa ito, he-he-he!
◘◘◘
BAKA MAPAAGA ANG “TERM- SHARING” SA KONGRESO — Sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang tindi raw ng galit ni P-Duterte sa mga kapalpakan at nabalitang mga korupsiyon sa SEA Games.
Naku, baka dahil galit na si P-Duterte ay mapaaga ang “term-sharing” ng Speakership sa Kongreso. Ibig sabihin, baka “makudeta” si Cayetano para mailuklok na agad si Marinduque Rep. Allan Lord Velasco bilang bagong House Speaker, abangan!
◘◘◘
LOTTENG SA CALOOCAN CITY, NAMAMAYAGPAG PA RIN — Patuloy daw na namamayagpag ang raket na lotteng ni “Mang Ramon” sa Caloocan City.
O, ano pa ang hinihintay ninyo, Caloocan City Police Chief Lt. Col. Noel Flores, “tokhangin” mo na si “Mang Ramon”, dali!





Comments