top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pulang dagat na naging asul, sign na sobrang lungkot pero palaging may pag-asa

  • Socrates Magnus
  • Nov 28, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Irish ng Irish_Bo_Dung@facebook.com.

Dear Professor, Nanaginip ako ng pulang dagat, tapos nagkatsunami pero hindi ako kasama sa mga nalunod. Nakita ko silang nalunod, tapos pula ‘yung dagat at pagtingin ko ulit ay naging dalawa ang kulay ng dagat at nagkaroon na ng dark blue. Ano ang ibig sabihin nito? Salamat!

Naghihintay, Irish

Sa iyo Irish, Ayon sa panaginip, deep inside, sobrang lungkot mo, pero ikaw ang taong kahit malungkot ay may positibong pananaw sa buhay. Kaya ang depresyon na nagtatangkang lumamon sa iyo ay hindi mananaig.

Dahil dito, huwag mong hahayaang mawala ang iyong positive attitude. At kahit nakararanas ka ng hindi maipaliwanag na lungkot ay hindi nawawala ang iyong pag-asa na someday ay liligaya ka. Huwag mo ring masyadong intindihin ang mga problema sa iyong pamilya at sa mga kasama mo sa bahay. Kung may marinig kang hindi maganda, sabihin mo sa sarili mo na ang tao ay likas na mapaghanap ng hindi maganda sa kapwa.

Minsan, ang tao rin ay umaasta na marunong at matalino na parang alam niya kung ano ang mangyayari sa hinaharap at sila ang tinatawag na judgemental kung saan hinuhusgahan nila agad ang kapwa at ang buhay ng may buhay.

Muli, masasalamin sa iyong panaginip na buhay na buhay at nagniningas ang apoy ng iyong pag-asa at ang pag-asang ito ang nagliligtas sa tao sa malalakas na daluyong ng kalungkutan. Gayundin, ang pag-asa ang magsisilbing salbabida sa banta ng lungkot na puwedeng lumunod sa iyong pagkatao.

Kaya kumapit ka sa iyong hope. Nasusulat na there are three that remains— hope, faith and charity. Napansin mo ba ang salitang ‘hope’? Ito mismo ang sinasabi sa itaas na siyang iyong tagapagligtas sa tanikala ng kalungkutan.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page