Weekend bash vs. all heart sa Race 4

Hahataw ngayong gabi ang Additional One Win in Group Races na paglalabanan ng Group Race at Condition Race sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.
Bibitiwan ang Winner-Take-All (WTA) Pick 6, Pick 5 at Pick 4 bukod pa sa Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six na tatayaan ng mga Bayang Karerista. Tatawid ang mga kalahok sa distansiyang 1,200 meters sa Condition Race 22, 20, 19, 16, Group Race 11 at 2 Year Old Maiden Race.
Matutunghayan sa umpisa ng karera sa Race 1, ang WTA kasabay ng Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six, pinapaboran ang Ten Ten Forty at Constitution. Sa panimula nang Pick 6 sa Race 2 ipinapatok ang couple entry na Tikain Kamo at Cool Mom habang forecast ang Excellence. Sa Race 3, nakalalamang ang Misha habang makakalaban ang Yes Kitty, isama sa mga parating ang Zapima sa Trifecta at Pick 5.
Sa Race 4, nakalalamang ang All Heart habang magsisilbing kalaban ang Weekend Bash at Beautiful Star simula ng Pick 4. Nakalalamang ang Miss Thrifty, habang ang Batang Arrastre, Toscana at Prime Power, isama sa Trifecta, Quartet at Pentafecta sa Race 5.
Mahigpit na magkakalaban ang Old Timer at Agi Daw sa Race 6 at isama sa Trifecta, Quartet at Pentafecta ang Rhaegal, Exhilarated at More or Less. Sa Race 7, nakalalamang ang Expensive isama ang Allbymyself, Primero de Marzo, Windy Star Edward the Great at Yona sa mga parating sa Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six.





Comments