top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

National ID System, oks sana, pero hindi all

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 27, 2019
  • 2 min read

Umarangkada na ang pilot registration ng Philippine Identification System (PhilSys) para sa National ID System.

Layunin nitong makuha ang demographic at biometric data ng magpaparehistro, gayundin upang maitama ang anumang maling makikita sa sistema.

Target na makapagparehistro para sa National ID ang mahigit 4,000 kawani ng House of Representatives kasama ang mga kongresista, staff at iba pang empleyado ng Kamara, regular man o contractual.

Kasunod nito ang pagpupulong ng mga may-akda ng nasabing panukala upang mapag-usapan at maplantsa ang mga aberyang nakita sa unang araw ng registration.

Samantala, kabilang din sa pilot registration ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at kanilang beneficiaries, Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Budget and Management (DBM), Department of Finance (DOF), Bureau of Treasury (BTr) at Social Security System (SSS).

Sakop din nito ang mga overseas Filipino worker na maaaring magparehistro sa embahada o consular offices ng Pilipinas sa bansang kinaroroonan nila. Kapag naging maayos ang proseso, inaasahan nating magiging mas mabilis na ang mga transaksiyon sa gobyerno at maiiwasan na rin ang red tape.

Sa ngayon, hindi lang isa ang ID na kailangang iprisinta kapag may nilalakad na papel o kukuning dokumento, kaya ang nangyayari, umaatake ang mga fixer at dadaanin sa padulas para makalusot — korupsiyon ‘yan!

Isa pa sa benepisyo ng National ID ay maiiwasan na rin ang identity theft na napakalaking problema ngayon sa internet. Gayunman, isa sa mga ikinababahala natin at ng ibang mamamayan ay ang isyu sa ‘rights to privacy’ ng bawat indibidwal. Matitiyak ba ng gobyerno na masusunod ang mahahalagang probisyon sa Data Privacy Act? Sana naman ay oo.

Huwag sanang manakaw ang personal information na malilikom at higit sa lahat, huwag sanang magamit na banta sa seguridad ng publiko.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page