top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga patok at kapaki-pakinabang na X’mas gifts

  • Jersy Sanchez
  • Nov 27, 2019
  • 2 min read

Ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan, siguradong nag-iisip na tayo ng mga ireregalo sa ating mga inaanak at mahal sa buhay. At dahil dito, nagsisimula na rin tayong maglista at mag-budget upang hindi magkulang o ma-short.

Ngunit para sa ating mga reregaluhan, dapat alam natin kung ano ang mga gusto at hindi nila trip. Sabi sa Santiago 1:19, “Habang nakikipagkuwentuhan ka sa iyong mga kaibigan o kamag-anak, pakinggang mabuti ang mga bagay na nagpapahiwatig ng kanilang gusto at hindi gusto. Sa gayon, malalaman mo kung anong regalo ang magugustuhan nila.”

Anu-ano nga ba ang mga puwedeng iregalo?

1. Massage kapa. Kung mayroon kayong mga kaibigan o kamag-anak na may sasakyan at mahaba ang oras na inilalaan sa pagmamaneho dahil sa traffic, magandang regaluhan sila ng ganito dahil makatutulong ito para ma-massage ang kanilang katawan at makaiwas sa degenerative disc sakit na mararamdaman ng batok at likod.

2. Automatic Water Dispenser. Sobrang sulit nito para sa pamilyang medyo tamad maglagay ng tubig sa ref. Dahil mayroon itong food grade silicone hose, 304 stainless steel, high density ABS plastic at walang amoy, rechargeable rin ang battery na may 1,200 mAh na tumatagal ng 30 hanggang 40 araw at kaya nito ang 4 hanggang 6 na gallon ng tubig. Buong pamilya ay sure na makikinabang dito.

3. Wireless Keyboard. Kung estudyante naman ang iyong reregaluhan, malaking tulong ito sa kanila dahil puwede ito sa laptop at desktop. Nakokontrol din nito ang malaking resolutions at mayroon itong 92 keys, 360-degree flip design, LED backlit keyboard at rechargeable battery.

4. Flash Drive. Mapa-boss, officemate o estudyante, siguradong mapakikinabangan ito dahil lubos nila itong kailangan para makapag-save ng mga importanteng files at dokumento. Siguraduhin din na malaki ang space tulad ng 16gb o 32gb o higit pa na lubos nilang ikatutuwa.

5. Rotating Make-up Organizer. Para sa mga may girlfriend na mahilig mag-make-up, siguradong sulit ito dahil mao-organize niya ang kanyang mga make-up at hindi na pakalat-kalat. Meron ding waterproof na uri nito kaya hindi na kayo mahihirapang maglinis kapag narumihan.

Ilan lamang ito sa mga regalo na puwede n’yong ibigay sa mga taong mahal n’yo na mas mapakikinabangan at maa-appreciate nila. Tandaan din na hindi mahalaga kung mamahalin at sosyalin ang mga ibibigay n’yo dahil ang importante ay galing sa puso mo. Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page