top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Horoscope | Nobyembre 27, 2019 (Miyerkules)

  • Maestro Honorio Ong
  • Nov 27, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 27, 2019 (Miyerkules): Iti­nakdang anihin at matik­man mo ang matatamis na bunga ng iyong mga pag­si­sikap. Ma­palad ka dahil hin­di lahat ng nagsisikap ay gu­ma­ganda ang buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Higit kailan­­man, sa mga araw na ito, ka­ilangan mo na maging mata­tag nang sa ganu’n ay hindi ma­sayang ang magagan­dang kapalaran na mapa­sasaiyo. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masu­wer­teng ku­lay-white. Tips sa lotto-8-10-20-23-38-43.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong pansinin ang mga kontrabida sa buhay mo dahil wala lang silang magawa. Ang totoo, mas marami silang mali sa buhay nila kaysa sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-18-24-26-34-41.

GEMINI (May 21-June 20) - Magdahan-da­han ka at pag-aralan mong mabuti ang mga hakbang na gagawin mo. Sa ganitong pa­raan, makaiiwas ka sa mga biglaang pagkakamali. Ito ang mensahe ng iyong kapa­laran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-16-20-21-23-38.

CANCER (June 21-July 22) - Ma­baba ang mga luha mo nga­yon. Luma­yo ka sa mga alam mong magbi­bigay sa iyo ng lungkot. Ma­darama mong hindi ka na­uunawaan kaya muli, mas mabuting lumayo ka. Ma­su­werteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-15-18-22-23-30.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit masama ang loob mo, tutulu­ngan mo pa rin ang lalapit sa iyo. Pero dahil sila ay kinatutuwaan mo, maaaring hindi ka maniwala at hindi mo sila papansinin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-19-25-26-37-44.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang umasa sa iba dahil mas ma­ganda na sila ang umasa sa iyo. Ang totoo, kahit umasa ka ay wala ka ring maaasa­han sa kanila. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­wer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-1-17-25-27-30-34.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Manindigan ka kahit pakiram­dam mo ay pa­san mo ang mundo. Ikaw ang tunay na nakaaalam sa sarili mo at wala kang dapat ipali­wanag sa kahit na sino. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-12-29-30-31.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung saan ka masaya, roon ka. Kung ang bigay sa iyo ay pawang sakit sa ulo, layuan mo. Gawin mo itong gabay sa iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwer­teng kulay-black. Tips sa lotto-19-20-26-30-34-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ka, ‘yun ang iyong ipakita kahit mapagkunwari ang mga tao sa iyong paligid. Ha­yaan mo silang mabuhay sa pagkukunwari. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Ma­suwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-17-20-24-26-39.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ngayon ay araw mo at ang ilang mga araw pang darating ay iyo pa rin. Harapin mo nang mukhaan ang mga pagsubok at ang mga hamon ng kapalaran da­hil ang panalo ay tiyak na mapasasaiyo. Masuwer­teng kulay-peach. Tips sa lotto-11-17-25-28-38-39.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ma­daraan sa ma­bilisan ang pag­papayaman. Ang tunay na kaunlaran ay nagmumula sa pagsisinop ng mga suwerteng dumarating. Isabuhay mo ang pagiging masinop. Ma­suwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-14-18-20-27-37.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magparaya ka kahit hindi mo gusto ang naga­ganap sa iyong harapan. Sa pagiging mapagparaya, ang tao ay nagkakaroon ng di­siplina at kakayahang kon­trolin ang kanyang sarili. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-19-21-26-38-40.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page