top of page

NCAA All-Star Game: Saints vs. Heroes

  • A. Servinio
  • Nov 26, 2019
  • 1 min read

Bilang pagdiriwang sa isang matagumpay na torneo ng basketball, itatanghal ngayong araw ang taunang National Collegiate Athletic Association (NCAA) All-Star Game sa pagitan ng Saints at Heroes. Tampok din ngayon ang pinakaunang edisyon ng All-Star Game para sa Women’s Volleyball na magsisilbing patikim ng parating na torneo sa Enero.

May malaking pagbabago sa laro ngayong taong ito dahil magsasama ng mga alumni ng mga paaralan kasama ang mga kasalukuyang bituin. Ilan sa mga kinuha ay mga aktibong PBA player na sina Jiovani Jalalon, Yousef Taha, Sidney Onwubere, Michael Calisaan, Paolo Taha, Rey Nambatac at Philip Paniamogan.

Pangungunahan ng Seniors champion Letran College ang Saints kasama ang San Beda University, San Sebastian College, College of Saint Benilde at UPHSD-Dalta. Ang Heroes ay galing sa Lyceum University, Mapua, Jose Rizal University, Emilio Aguinaldo College at Season 95 host Arellano University.

Ilan sa mga matunog na pangalan na lalaro sa volleyball ay sina Grethcel Soltones, Jovy Prado, Shola Alvarez at Ces Molina. Si Coach Bonnie Tan ng Letran ang hahawak sa Saints habang makatatapat niya si Coach Cholo Martin ng Arellano sa Heroes. Sa volleyball, ang Heroes ay nasa ilalim ni Coach Obet Javier ng defending champion Arellano at hahamunin siya ni Coach Macky Carino ng Saints at UPHSD.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page