Parehong malas sa pag-ibig... Richard, tinuruan sina Bea at Angelica tungkol sa mga lalaki
Nitz Miralles / Bida

Super thankful si Richard Gutierrez sa mga nag-congratulate sa kanya dahil sa ganda ng trailer ng movie na Unbreakable at sa napakaguwapong rehistro niya sa screen. Masasabing hindi lang basta-basta ang kaguwapuhan ni Richard ‘pag pinanood ninyo ang sinabi ni Direk Mae Cruz-Alviar na “friendship movie.”
Na-miss ni Richard na gumawa ng drama, kaya nagpasalamat siya sa Star Cinema for the opportunity to be in this genre of movie again, lalo’t challenging ang role niya dahil opposite niya ang karakter ni Justin Salvador na kanyang ginagampanan. Ang description ni Richard kay Justin ay “Very immature, maraming demons na hindi kayang i-manage.”
First time ni Richard to work with Bea Alonzo at Angelica Panganiban at kuwento niya, “First day shooting pa lang, masaya na agad, winelcome nila ako at ang dali nilang katrabaho at pakisamahan. Sobrang gaan, sobrang husay at si Direk Mae, masarap katrabaho, very light. She knows what she wants and she challenges you to tell your story.”
Pareho naman ang unang impression nina Bea at Angelica kay Richard. Akala nila, snobbish ang aktor dahil very refined at serious. Nalaman nilang may humor pala ito at good listener.
Ang maganda pa, hindi lang sa pelikula magkasama sina Bea at Richard dahil may ginagawa rin silang teleserye sa ABS-CBN na may title na Kahit Minsan Lang at sa General Santos City ang location pero focused muna sila sa promo ng Unbreakable.
Dahil parehong dumaan sa personal problem sina Bea at Angelica tungkol sa kanilang love life, ang payo ni Richard sa dalawang aktres ay, “For me, napakasuwerte ng guy na mamahalin nilang dalawa. Dapat hindi sila magmadali dahil makakahanap din sila ng right guy sa right time because they deserve it.”





Comments