top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

NU, sinakmal ang korona sa UAAP Women’s Basketball

  • VA
  • Nov 24, 2019
  • 1 min read

Gumawa na naman ng panibagong rekord ang National University nang pataubin nitong muli ang University of Sto. Tomas, 66-54 upang makopo ang UAAP Season 82 Women’s Basketball Tournament title kahapon sa MOA Arena sa Pasay.

Buhat sa panimula nilang 25-8 sa first quarter, hindi na lumingon pa ang Lady Bulldogs hanggang matapos ang laban para muling kumpletuhin ang isang perfect season.

Namuno si Finals MVP Monique Del Carmen sa nasabing mainit na simula ng NU matapos itala ang 7 sa kanyang kabuuang 15 puntos na output dito.

Malayo ito kumpara sa naging laro nila noong Game 1 kung saan nahirapan silang layuan ang Tigresses. Sa pagkakataong ito hindi natinag sa pangingibabaw ang Lady Bulldogs hanggang makumpleto ang kanilang ika-6 na sunod na season sweep na ang katumbas ay rekord na 96 game winning streak.

Nag-ambag din ng 15 puntos si Kaye Pingol bukod pa sa 4 na assists at tig-2 rebounds at steals para sa Lady Bulldogs kasunod si Rheena Itesi na may 12 puntos at 8 rebounds.

Nagtapos na topscorer para sa Tigresses si Reynalyn Ferrer na may 16 puntos sumunod si Season MVP Grace Irebu na may 11 puntos at 10 rebounds.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page