Horoscope | Nobyembre 24, 2019 (Linggo)
- Maestro Honorio Ong
- Nov 24, 2019
- 2 min read

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 24, 2019 (Linggo): Yayaman ka sa negosyo. Ito ang nakasulat sa iyong Aklat ng Kapalaran, kaya magnegosyo ka.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bilisan mo ang mga pagkilos mo upang hindi ka masingitan ng pag-aalinlangan. Noon pa man at kahit kailan, ang pag-aalinlangan ay hadlang sa tagumpay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-10-14-29-31-38-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lagyan mo ng kislap ang buhay mo, magsaya ka at makipagkuwentuhan, gayundin, makibahagi ka sa mga pagbibiruan. Kapag makislap ang buhay ng tao, mas mabilis ang kanyang pag-asenso. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-20-21-25-30-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Nagdaratingan ang mga suwerte mo. Maaaring makalagpas sa iyo ang iba dahil masaya ka sa tinatamasang magandang buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-17-24-25-34-43.
CANCER (June 21-July 22) - Lumayo ka sa mabibilis dahil maaaring masumpungan mo ang iyong sarili na nabiktima ng mandaraya at walang katotohanan ang mga salita. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-16-22-25-38-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi kailangan ang malaking puhunan para makapagsimula. Ang punongkahoy ay mula sa munting buto at ang dagat ay binubuo ng mga patak ng tubig. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-21-23-30-31-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Paramihin mo ang nasa sa iyo na dahil sapat na ang mga ito para yumaman ka. Magsimula ka na ngayon. Huwag mo nang patagalin ang pagpapatupad sa iyong mga plano. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-18-27-30-34-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang papayag na ikaw ay maaninuhan ng iyong kapwa. Sobra sa sapat ang iyong magagandang katangian kaya ikaw ang dapat makaanino. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-15-16-20-21-23.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magpatulong sa taong tamad dahil baka tamarin ka rin. Ang katamaran ay tulad ng sakit na nakahahawa rin. Maghanap ka ng masipag at siya ang gawin mong alalay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-19-21-27-33-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iniingatan ang sikreto. Huwag mong kalimutan na hindi lang katotohanan ang dapat ipaalam. Sa ganito, patuloy kang pagkakatiwalaan ng kapwa mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-17-22-32-37-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mabilis ang dating ng mga suwerte mo. Mawawalan na ng panahon ang mga gustong mabigo ka at dahil dito, sila ang bigo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-19-20-22-32-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sasaiyo ang pagkapanalo at maging ang huling halakhak ay para sa iyo pa rin. Magpasalamat ka sa nasa itaas dahil hindi mangyayari ito sa buhay mo kung ikaw lang mag-isa. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-15-20-21-25-36.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sunggaban mo ang magagandang pagkakataon at magugulat ka dahil may mga kasunod pa na mas magaganda. Kaya lakas lang ng loob ang iyong kailangan sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-14-18-30-31.




Comments