top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Rosas, sunugin at ilagay ang abo sa panyo para maging habulin ng lalaki o babae

Sr. Socrates Magnus II
Nov 23, 2019
2 min read

Ipagpatuloy natin ang mga karagdagang kaalaman para buwenasin at alisin ang kamalasan sa bahay o tirahan.

Ngayon, ang ating ibabahagi ay ang isa pa ring epektibong paraan para maalis ang mga kamalasan sa bahay at sa mismong naninirahan. Ito ang tinatawag na ‘earth bath’.

Gamit ang abo o uling, maisasagawa natin ang earth bath.

1. Ang buong bahay na minamalas ay dapat sabuyan ng abo.

2. Sa flooring, mga sulok at ilalim ng mga kagamitan.

3. Inirerekomenda na magkalat ng abo sa kusina at sa mga bahagi ng kusina na bihirang linisin o tagong mga bahagi.

4. Maganda rin na magsaboy ng abo sa mismong shower room.

5. Lalong mas maganda na may abo sa silid-tulugan.

6. Sa paligid ng bahay at sa labas ay dapat lagyan ng abo, gayundin ang gilid ng mga pader.

7. At sa mismong bakuran ay kalatan din ng mga abo.

Ikaw ba ay minamalas? Narito ang puwede mong gawin.

1. Maglagay ka ng abo sa iyong wallet.

2. Bigo ka ba sa mga lakad mo? Maglagay ka ng abo sa medyas mo.

3. Madali ka bang dapuan ng karamdaman? Gumawa ka ng maliit na supot na tela at lagyan mo ng abo. Tahiin mo ang tela para maging munting supot saka isabit mo sa iyong baywang.

4. Bigo ka ba sa love life? Bago ka maligo, lagyan mo ng abo ang kaliwang bahagi ng dibdib at gawin ito sa loob ng anim na minuto bago ka mag-shower.

5. Puwede ka ring kumuha ng mga rosas, sunugin mo hanggang sa maging abo, ilagay sa iyong panyo at magugulat ka dahil maraming magkakagusto sa iyo.

6. Gusto mo bang matupad ang iyong wish? Kumuha ka ng abo at isaboy mo sa hangin saka sabihin ang iyong wish.

Subukan mo ang mga nasa itaas. Wala namang mawawala sa iyo kung susubukan mo. Puwede kang magkapera, magkatrabaho at makaligtas sa mga sakit at puwede mong matagpuan ang love of your life.

May magical powers ang abo, ito mismo ang maibubulong mo pagkatapos na magawa ang mga nasa itaas.

Good luck and God bless!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page