Ex-GF, may iba raw gusto… Joao, umaming si Sue ang nakipag-break sa kanya
- Nitz Miralles
- Nov 23, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Kasama sa cast ng Star Cinema movie na Unbreakable si Joao Constancia bilang isa sa mga brothers ni Bea Alonzo at gaya ni Anthony Jennings na kapatid niya sa movie, happy siya to be working with the cast. Alam niyang mahuhusay na aktres sina Bea at Angelica Panganiban at isama pa si Richard Gutierrez, tapos si Mae Cruz-Alviar pa ang director.
Kilala si Joao as the ex-boyfriend of Sue Ramirez at sabi nito, totoo ang breakup nila at hindi lang tsika. Sa sagot nitong… “She wants to focus on her craft,” parang si Sue ang nakipag-break.
Sasabayan na lang daw niya ang plano ni Sue to focus on her craft dahil magpo-focus na rin siya sa kanyang showbiz career. Suportado ng kanyang management ang decision niyang ito, kaya tama ang pagdating ng Unbreakable.





Comments