Gay TV host, labs na labs daw niya… Hirit ni Ion: Para kaming haluhalo ni Vice, habang tumatagal, la
- Ronalyn Seminiano
- Nov 22, 2019
- 3 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

‘Kalokah ang naging guesting ni Maricel Soriano sa Gandang Gabi Vice kamakailan. Nagtatampo raw kasi si Maricel kapag may mga nababalitaan siyang ganap na hindi niya alam kaya sinabi ng aktres na gusto niyang makilala si Ion Perez na BF ng gay host.
Ani Maricel, “Sino ba ‘tong Ion na ‘to? Sino ba ‘tong batang ‘to?”
Sinabayan ni Vice ng pagsasayaw ang tanong ni Maricel kaya sabi nito, “Ay kinikilig siya, oh! Walang kahihiyan! Nasa’n ngayon si Ion?”
Sagot ni Vice, “Ay, hindi ko alam. Baka nasa gym.”
Hirit ni Maricel, “Aba, anak, dapat makilala ko ‘yan, sa totoo lang, katulad ng tunay mong nanay.”
Singit ni Vice, “Kapag nag-Puerto Galera tayo,” sabay tawa.
Pero, pangungulit ni Maricel, “Kailangang makausap ko ‘yan. Tawagan mo. Tawagan mo. Ngayon, tawagan mo! Kakausapin natin, kakausapin ko!”
Nakausap naman ni Vice si Ion, but sadly, choppy kaya in-end din ng gay host ang call. Sabi ni Vice kay Maricel, “Choppy, ‘Nay, ‘di ko maibibigay sa ‘yo. Maiirita ka lang kasi putul-putol. ‘Pag maganda na lang ang signal,” sabay abot ng cellphone sa staff habang sinasabing “Oy, walang signal. Buti na lang din!”
Samantala, kung akala ni Vice ay nakaligtas na sila ni Ion kahapon, sa It’s Showtime ay muling hinanap ni Maricel si Kuya Escort nang bumisita siya para sa promo ng movie nilang The Heiress na ipapalabas na sa Nov. 27.
Sabi ni Maricel, “Naisahan mo ‘ko sa GGV.”
Tanong naman ni Vice, “Bakit ‘Nay?”
Sagot ni Maricel, “Eh, kasi hindi ko pa rin nakakausap, eh.”
Nanay daw siya ni Vice kaya kailangan niya talaga itong makilala. Nagpalusot si Vice na baka nasa dressing room si Ion pero nakita nina Vhong Navarro at Maricel si Kuya Escort kaya pinaakyat sa stage.
Biro ni Vice sa first meeting nina Ion at Maricel, “Inay, ito po si Ion, ang kabiyak ko.”
Sambit ni Maricel, “Napakaguwapo naman pala sa personal ng bata! Nakakaloka!”
Pero bigla itong naging seryoso at nilapitan si Ion. Aniya, “Anak, may itatanong lang ako sa ‘yo. Mahal mo ba ang anak ko?”
Sagot naman ni Ion, “Ito lang po ‘yung masasabi ko sa inyo, ‘yung anak n’yo, mamahalin ko nang lubos, nang… sapat at tapat.”
Biglang bumaling si Maricel kay Vice at nagtanong, “May script ba ito?” Sagot ni Vhong, “Wala, wala po.” Hirit naman ni Vice, “Finorward ko kagabi.”
Biro ni Jhong Hilario, “Inang, tanggalin ninyo ‘yung barang.”
Dagdag ni Vhong, “Nabarang ata, eh.”
Biglang sabi ni Vice, “Hoy, ‘wag! Pinabarang ko nga, eh, baka matanggal ‘yung barang.”
Pero naging seryoso ulit si Maricel at sabi kay Kuya Escort, “Ion, maging mabuti ka sa anak ko. ‘Wag mo siyang lolokohin. ‘Yun ang hinihingi ko, anak. Alam mo, masarap maging maligaya.”
Binantaan din ni Maricel si Ion. Aniya, “Alam mo, sabi kasi nila, masarap lang daw lahat sa umpisa pero ‘wag mong gaganu’nin si Vice. Hahanapin kita.
“Gusto ko ‘pag sinabi mong mahal mo, mahal mo na siya forever.”
Sagot naman ni Ion, “Hindi, ‘yung pagsasama naman po namin, parang haluhalo, eh. Habang tumatagal, mas lalo siyang sumasarap.”
Kilig na kilig ang audience ng Showtime at ganu’n din si Vice.
Sabi ni Maricel kay Vice, “Tuwang-tuwa ako sa iyo, anak. Sa wakas, magiging maligaya ka na rin ng walang pag-iimbot at buong katapatan. Wala na tayong sakit ng ulo na ‘Eh, kasi hindi naman niya ‘ko puwedeng ipakilala, eh,’ ‘Wag nang ganu’n. ayoko na ng ganu’n ang nararamdaman mo. Gusto ko ang nararamdaman mo, puro pagmamahal.”
Sabi naman ni Vice, “Yes, and I am so happy and I am so loved. I am so happy.”
Awww… sana all!




Comments