top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Dyip na luma pero mukhang bago pa, larga pa rin!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 22, 2019
  • 1 min read

May mga bagay na kahit luma na, mukha pa ring bago dahil inaalagaan.

At ito ang isa sa mga dahilan kaya hindi na muna ipe-phaseout ang mga lumang jeep na garantisadong safe pa ring bumiyahe.

Matatandaang, isa ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) sa maiinit na usapin sa bansa dahil marami ang apektado. Layunin nitong tanggalin na sa kalsada simula sa susunod na taon ang mga jeep na 15 taon pataas ang tagal at palitan ng bagong unit na maaaring patakbuhin ng renewable energy.

Sinundan ito ng mga kilos-protesta. Nag-rally ang mga drayber at operator, naglunsad ng tigil-pasada at umaray ang mga pasahero.

Hanggang sa magdesisyon ang Department of Transportation (DOTr) na pahintulutan muna ang mga lumang jeep na makapamasada. Ito ay sa kondisyong papasa ang kanilang mga sasakyan sa motor vehicle inspection system (MVIS) o road worthiness test, kabilang dito ang emission at safety test.

Gayunman, nilinaw ng ahensiya na tuloy pa rin at wala nang atrasan sa PUVMP.

Tama na ikonsidera hindi lang ang edad ng sasakyan kundi maging ang kabuuang kondisyon nito. Meron d’yan na ilang taon pa lang na ginagamit, bulok na.

Sa ngayon, tuloy ang pasada pero utang na loob, ‘yung mga kakarag-karag na jeep na isang turnilyo na lang ay bibigay na, igarahe n’yo na sa junkshop bago pa may mapahamak.

Tandaan, bilang pampublikong sasakyan, hindi lang isang buhay ang ipinagkakatiwala sa atin. Ihatid natin sila nang ligtas sa kani-kanilang pamilya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page