top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Dahilan kaya nilalagyan ng palamuti at mga ilaw, alamin... Ang pinagmulan ng christmas tree

  • Twincle Esquierdo
  • Nov 22, 2019
  • 2 min read

Tuwing malapit nang sumapit ang Pasko, isa sa mga pinaghahandaan ang pagde-decorate ng Christmas Tree kung saan masaya nating inilalagay ang mga palamuti at regalo sa ilalim nito. Gayundin, pinaiikutan natin ito ng mga Christmas lights para mas maging maganda. Pero saan nga ba nagsimula ang Christmas Tree?

Kilala ang Christmas Tree bilang evergreen dahil hindi nagbabago ang kulay nito, na ayon sa mga sinaunang tao, sinisimbolo nito ang pananatiling buhay dahil hindi ito namamatay kahit na sobrang lamig.

Gayundin, kinikilala bilang relihiyosong simbolo na ginagamit sa mga piyesta at negosyo ang punong ito.

Makikita sa Bohuslan Province ng Swede, probinsiya ng Ostfold, Norway at 5,000 iba’t ibang lugar at mahigit 75,000 na inukit sa bato ang larawan ng punong evergreen. Ayon sa arkeologo, inukit ito noong 500 BC.

Ayon sa ilang iskolar, inukit ng mga sinaunang tao ang evergreen dahil sinisimbolo nito ang pananatiling berde o buhay, kaligtasan at imortalidad sa maraming kultura sa buong mundo.

Samantala, ang ibang puno ay parang patay na dahil sa matinding lamig.

Sa isang aklat na nai-publish ng Swedish National Heritage Board na Rock Carvings in the Borderlands, sinasabi na ang mga inukit sa bato ay nagpapakita ng matagal na panahon o Bronze Age at sinisimbolo nito ang relihiyon at kultura ng Scandinavia pati na rin sa buong Europa at Asia.

Ayon sa The Rock Carving Tour, isang booklet na ibinabahagi ng Bohuslans Museum, ang gustong ipahiwatig ng mga sinaunang tao ay ang pagdarasal sa kanilang Diyos.

At naniniwala na nakasentro ang buhay sa walang katapusang buhay, pag-aanak at kamatayan.

Naging popular naman ang punong evergreen nang gamitin ito ng mayamang pamilya ng Britanya dahil nilalagyan nila ito ng mga dekorasyon tuwing ipinagdiriwang nila ang Pasko mula noong 1841. Sa ngayon, ang Christmas Tree ay kilalang-kilala sa buong mundo kaya naging tradisyon na ang pagtatayo at pagde-decorate nito tuwing sasapit ang Pasko.

Mga ka-Bulgar, alam na natin kung saan nanggaling ang Christmas Tree at kung bakit ito tinawag na mahiwaga. Ito ay dahil sa pananatiling kulay berde sa panahon ng taglamig at kung paano naging tradisyon ang pagtatayo nito. Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page