top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Tamang diskarte lang ‘yan, mga besh... Tips para hindi maburyong sa sobrang stress at busy ngayong m

Justine Daguno
Nov 21, 2019
2 min read

Kapaskuhan ang isa sa mga pina­kamasaya at paborito nating okasyon, pero ito rin ang pinaka-hassle at naka­kapagod na panahon sa buong taon.

Hindi lang doble kundi madalas ay triple ang effort na ginagawa ng kara­mihan para lang maka-survive sa pana­hong ito, mula sa pagsabak sa matinding trapik hanggang sa mga gawaing tila hindi matapus-tapos na kapag nagsabay-sabay ay nakakaloka talaga!

Kaya naman narito ang ilang survival tips para hindi tayo ma-burnout sa kabila ng super busy na Christmas sea­son:

1. MANATILING MALUSOG. Hin­di lang ito tungkol sa diet o sistema natin sa pagkain kundi ang kabuuang lifestyle natin. Tandaan, kahit gaano tayo ka-busy sa work, huwag nating pababayaan ang ating sarili. Real talk, walang kuwenta ang effort natin sa pagtatrabaho kung kalusugan natin ang magsasakripisyo.

2. MAGPOKUS SA MGA BAGAY NA NAGBIBIGAY SA‘YO NG LA­KAS. Bawat isa ay may kani-kanyang ‘pi­naghuhugutan ng lakas’ at kapag feeling mo ay bibigay ka na dahil super-nakaka-stress ang mga gawain, isipin mo lang ‘yung mga bagay o tao na dahilan kung bakit mo ‘yan ginagawa nang sa gayun ay ma-motivate ka ulit.

3. BIGYAN NG ORAS ANG SA­RILI PARA MAKAPAGMUNI-MUNI. Sa kabila ng napakaraming trabaho, hindi kalabisan ang sandaling panahon para ma­kapagmuni-muni. Ito ang pagkakataon para makahinga kahit sandali lang upang ma-re­lax o ma-refresh ang isip.

4. HUWAG ‘OO’ NANG ‘OO’. ‘Ika nga, hindi tayo puwedeng ‘oo’ lang nang ‘oo’. Bagama’t, gusto ng mga tao sa paligid mo na palagi silang sinusunod, tandaan na may limitasyon ito.

Puwede mong pagbig­yan ang mga de­mand sa‘yo, pero make sure na kaya ito ng iyong kapasidad at hindi ito labag sa iyong kalooban.

5. PALAGING SUNDIN ANG SCHE­DULE. Mula sa mga meetings, deadlines at iba pa, dapat organisado tayo. Makabubuti ito para hindi tayo malito o maguluhan sa mga bagay na dapat unahin o iprayoridad. Siguraduhing maayos ang iyong schedule upang maiwasang magkasabay-sabay ang mga gawain.

Well, kung sa karaniwang panahon ay nawiwindang na tayo sa araw-araw na tra­baho, paano pa ngayong ‘busiest season of the year’?

Sa totoo lang, mas okay ang mara­ming ginagawa kumpara sa ‘nganga’ o nag­hi­hintay lang, pero mas magandang ideya kung magagawa natin ito nang hindi nau­ubos o nabu-burnout.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page